malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10)
Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10)
Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10)
USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10)
Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)


Pinay, huli sa pagnakaw ng 3,500 lapad mula sa vault

Jul. 16, 2016 (Sat), 8,994 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Gunma Maebashi City. Ayon sa news na ito, isang Japanese man, 23 years old, company employee at asawa nitong Pinay na nakilalang si コックス・ジャニン・ヴェスファ・ロブレス, 24 years old, university student ang hinuli ng mga pulis sa charge na pagnanakaw sa pera na nagkakahalaga ng 3,500 lapad mula sa isang vault na nasa loob ng bahay.

Sa investigation ng mga pulis, lumabas na ang dalawang ito ay pinasok ang bahay ng isang matandang Japanese, age 63 years old at isang company board director noong June 22. Binuksan nila ang vault at ninakaw ang perang nasa loob nito.

Napag-alaman din na ang dalawang ito ay hinuli rin noong June 24 sa charge na attempted extortion sa asawang babae ng bahay na pinasok nila. Sa pag-iinvestigate nila, nalaman ng mga pulis na meron silang hawak na 3,000 lapad na cash kung kayat naging malakas ang evidence laban sa kanila ayon sa mga pulis.

Pareho namang hindi inaamin ng dalawa ang charge laban sa kanila, subalit patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga pulis laban sa kanila ayon sa news na ito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.