malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Hunger strike sa loob ng Tokyo at Nagoya detention center, tapos na (05/26)
Lego Land, magbababa ng entrance fee ng almost 25% (05/26)
Nangholdap sa bangko ng walang weapon, huli ng mga pulis (05/25)
Breast cancer examination, magiging madali at hindi masakit using advance technology (05/25)
Lalaking taga Sri Lanka, huli sa failed carnapping incident (05/25)


11 Pinoy na biktima ng human trafficking, nabigyan ng Special Residency last year 2015

Mar. 16, 2016 (Wed)


Ayon sa information na nilabas ng Ministry of Justice kahapon March 15 tungkol sa mga sample cases ng mga Special Residence applicants for year 2015 na kanilang naaprobahan at na-deny, binanggit dito na nabigyan nila ng SPECIAL RESIDENCE PERMIT ang 11 Pinoy na biktima ng human trafficking noong nakaraang taon.

Isa pa sa kanilang inaprobahan ay ang isang applicant na overstayer na here in Japan for 16 years na meron asawang Japanese. Binigyan nila ito ng 1 YEAR permit to stay here in Japan.

Sa mga cases naman na na-deny, isang sample na binigay nila ay ang isang applicant na pumasok here in Japan with STUDENT VISA. Subalit ito ay hindi nakakapag bayad ng tuition fee at tinanggal sya ng school. Hindi nag-aaral at ang main activity na ginagawa ay ang pag-aarubaito.

Ilan pa sa hindi nila inaprobahan ay ang mga applicant na kahina-hinala ang pag-sasama bilang partner o asawa ng isang Japanese, at mga sangkot sa mga kasong illegal drugs.

Ang SPECIAl RESIDENCE PERMIT ay pinagkakaloob ng Ministry of Justice sa mga applicant nito kung saan binibigyan nila ng pansin at tinitimbang ang family background and financial capability ng isang applicant.