Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10) Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10) Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10) USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10) Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)
5 Vietnamese, huli sa phone registration scam (Guide na Pinoy, maaaring hulihin din) Feb. 05, 2024 (Mon), 478 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, hinuli ng Osaka police ang 5 Vietnamese, nasa 20's to 30's ang age, matapos mapatunayang sabit ang mga ito sa phone registration scam. Ang grupo nila ay paulit-ulit ang ginagawang panloloko at kumita na ng more than 2,000 lapad.
Nakumpiska din ng mga pulis ang more than 200 pirasong smartphone na naka-contract sa ibat-ibang gaikokujin na kanilang nakuha, at ang mga ito ay naka-connect sa more than 600 lines ng Docomo.
Gamit ang mga nakuha nilang smartphone na naka-contract at nakapangalan sa ibat-ibang foreigner dito sa Japan, kanilang ginamit ang D BARAI service ng Docomo upang mabayaran ang nakukuha nilang item online (tulad ng mga Nintendo Switch at Play Station), then ang mga product ay kanilang ibinibenta at dito sila kumikita ng malaki.
Ang bill naman sa D BARAI service ng Docomo ay madadagdag sa mothly billing ng phone na sinisingil ng Docomo company sa mga foreigner na nakipag-contract sa kanila, na kinuhaan ng cellphone ng mga scammer na nahuli. Dahil sa dami ng mga paulit ulit na billing, nag-report ang company sa mga pulis at dito nabisto ang kanilang ginagawa.
Ang more than 200 pirasong smartphone naman na nakumpiska ng mga pulis ay kalahati dito ay pag-aari ng mga kababayan nilang Vietnamese din, at ang kalahati naman ay sa mga Pinoy at Indonesian ito naka-contract.
Sinisiyasat sa ngayon ng mga pulis kung paano napunta sa mga scammer na ito ang mga cellphone at maaaring hulihin nila ang lahat ng taong kasangkot daw dito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|