malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Tour bus, bumaliktad sa kalsada sa Hokkaido, 48 katao sugatan (08/20)
Isang lalaki, huli sa pag-akyat sa bahay at pagnakaw sa gamit sa loob (08/20)
Child abuse cases, patuloy na tumataas for 26 consecutive years (08/18)
University student girl, huli sa pagtapon sa bagong silang na baby (08/18)
Asawang babae, napatay ng husband gamit ang wooden katana (08/18)


Saitama police, nagkamaling hulihin ang isang teenager na walang dalang passport

Mar. 06, 2016 (Sun)


SBI Remit, for faster remittance service to the Philippines.


Ayon sa news na ito, nanghingi ng paumanhin ang Saitama police sa pagkakamaling nagawa nila ng hulihin nila ang isang teenager na foreigner from Sout East Asia na ang edad ay below 16 years old.

Nangyari ang incident kahapon March 5 ng hapon sa Kawaguchi City. Nakatanggap sila ng tawag sa isang mamamayan at agad silang pumunta sa lugar kung saan nakita nila ang dalawang foreigner. Nakatakbo ang isang kasama nito at hinuli nila ang naiwan dahil wala itong dalang passport.

Subalit ng kanilang siyasatin ang edad nito, ang bata ay below 16 years old pa lamang kung kayat pinakawalan din nila ito makalipas ang anim na oras. Ayon sa batas, kapag ang isang foreigner ay above 16 years old, obligation nito na dalhin lagi ang passport at pwede nilang hulihin ito kapag walang naipakita. Subalit ang batang nahuli ay wala pa sa 16 years old kung kayat pinakawalan nila ito.

Nanghingi ng paumanhin ang Saitama police sa pagkakamali nila sa paghuli sa bata dahil sa hindi nila ito na-check ng mabuti bago hulihin. Ayon naman sa police na nanghuli, mukhang nasa twenties na ito kaya hinuli nya agad.


For your TAX REFUND (Income & Residence Tax), apply now at P&G Company Office.