Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10) Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10) Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10) USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10) Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)
Dalawa, huli sa pag-guide sa cellphone contract at pagkuha ng unit kapalit ng malaking halaga Mar. 08, 2023 (Wed), 756 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga kababayan natin dito sa Japan na nasilaw na kumuha ng cellphone at nag-sign ng contract gamit ang real name nila and information kapalit ang malaking kabayaran, this news is for you po.
Ayon sa news na ito from Mainichi Shimbun, hinuli ng Saitama police today March 8, ang isang lalaki at babae, age 23 & 28 years old, matapos mapatunayang illegal silang nag-aalok sa mga applicants para kumuha ng contract sa mga cellphone company at kunin ang units kapalit ang malaking halaga.
Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang dalawa ay walang license or permit mula sa mga cellphone carrier para mag-sagawa ng ganitong activity. Sila ay nag-post sa mga SNS community lalo na sa Facebook tungkol sa pagkuha ng cellphone kapalit ang malaking kabayaran.
Ang mga nagka-interest dito ay tinuruan nila kung paano kumuha ng cellphone at mag-sign ng contract sa mga cellphone carrier gamit ang personal information nila tulad ng Residence Card, Driver License, MyNumber at iba pa. Kapag nakuha na ng applicant ang unit (cellphone), kinukuha nila ito kapalit ang malaking halaga na umaabot sa 20 lapad or more.
Ang nakuhang mga cellphone ay kanila namang ibinibenta sa malaking halaga at ang iba dito ay ginagamit sa mga illegal activity. Nalaman ng mga pulis ang illegal activity na ito ng masabit sa isang kaso ang isang cellphone na ginamit ng salarin na ang may-ari ay ibang tao pala.
NOTES:
Marami na po akong natanggap na inquiries tungkol dito dahil sa marami na daw mga kababayan natin ang nasilaw sa binibigay na pera at nakipag contract sa mga cellphone companies, then kinuha ang phone sa kanila.
Lagi po nating paganahin ang ating pag-iisip. Ang mga ganitong mga easy money activity or scam ay laging connected sa hindi legal na bagay. Walang magbibigay sa inyo ng malaking pera within a very short time and easy work na walang RISK.
Kapag ang cellphone na personal ninyong kinuha under a contract sa mga cellphone company ay binigay nyo sa ibang tao, at ginamit nila sa mga illegal activity (katulad ng mga nababalita dito sa Malago), kapag yan ay nakumpiska ng mga pulis at na-trace nila ang may-ari, pati kayo for sure ay dadamputin nila at masasabit sa kasong wala kayong kaalam-alam. Yan ang magiging kabayaran sa perang natanggap ninyo.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|