malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Chinese na lalaki, huli sa pagbenta ng fake brand na Hermes (02/20)
Japanese man, huli sa sexual assault laban sa isang Junior high school girl (02/19)
Magkapatid na babae, huli sa di pagpapakain sa namatay nilang nanay (02/19)
Naglalakad na mag-asawa, sinaksak sa mukha ng nakasulubong na lalaki (02/19)
Policewoman, huli sa mambiki charge sa loob ng Disneyland (02/18)


Pinay at Japanese, huli sa pamemeke sa acknowledgment sa bata

Feb. 18, 2016 (Thu)


Gifu Motosu City Busshoji. Ayon sa news na ito, hinuli ng mga Gifu police kahapon February 17 ang isang Japanese male, 54 years old at isang Pinay, 29 years old, walang work, sa charge na pamemeke ng document upang mai-register na Japanese ang anak ng babae.

Ayon sa investigation ng mga pulis, ang dalawang ito ay nagpasa ng TAIJI NINCHI noong July 2014 sa Motosu City kung saan pinalabas nilang ang ama ng bata na anak ng Pinay ay ang Japanese. Then, noong maipanganak nya ito noong August 2015, nagpasa naman sila ng Birth Certificate sa Motosu city hall din.

Lumabas din sa DNA test na ang ama ng bata ay hindi talaga ang suspect na Japanese at iba. Maaaring ginawa nila ito upang magkaroon ng long term visa ang babae kapag naging Japanese citizen ang bata ayon sa mga pulis. Ang Pinay ay walang visa na hawak ngayon ayon pa sa news na ito at pareho namang inaamin ng dalawa ang charge laban sa kanila.