malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce




310 katao, infected sa cluster na nangyari sa hospital (01/16)
Pinay, huli sa imitation marriage charge (01/16)
7 katao, infected sa bagong variant ng coronavirus (01/15)
Chinese woman, huli sa pag-operate ng omise ng walang permit (01/15)
First detection of coronavirus infection in Japan, 1 year now (01/15)


Isang babae, natagpuang patay sa loob ng hotel sa Ikebukuro

Sep. 13, 2019 (Fri), 310 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Tokyo Ikebukuro. Ayon sa news na ito, isang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang hotel ng isang cleaning staff na agad naman nyang itinawag sa mga pulis kahapon September 12 ganap ng 8:30PM.

Ayon sa sa inilabas na information ng mga pulis today September 13, ang bangkay ng babae ay nakita sa loob ng room na nasa 2nd floor ng hotel. Ang bangkay nito ay inilagay sa loob ng plastic bag na pambalot ng futon, then tinabunan ng isang sheet. Ang bangkay ay nasa sahig sa gilid ng kama at nakabaluktot ang tuhod nito ng makita.

Ang babae ay nasa thirties to forties ang age. Meron itong suot na kulay na itim na t-shirt and sweat, at nakasuot ng sapatos.

Meron bakas ng pagsakal sa leeg ito kung kayat malaki ang possibility na murder case ito. Nakita rin sa CCTV ng hotel na meron pumasok sa room na isang lalaki na nakasuot ng itim na damit ganap ng 3:40PM kahapon September 12, then bandang 5:50PM naman ng pumasok ang babaeng biktima. Then around 7:40PM, lumabas ng room ang lalaki. Pinaghahanap ng mga pulis sa ngayon ang lalaki na maaaring meron kinalaman sa case na ito.

Bumuo ng isang team ang mga pulis upang ma-imbistegahan ito at ma-identify ang identity ng biktima.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.