malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




4 libong lapad, naholdap sa Ginza mula sa isang lalaki (04/23)
4 Koreanong lalaki, na-hold sa airport sa pagpuslit ng malaking pera (04/21)
Visual image from projector, nagiging touch screen (04/21)
Suicide count ng mga batang Japanese, patuloy na tumataas (04/21)
Japanese on business trip, binaril sa Manila, patay (04/21)


Tokyo Supreme Court, pinawalang bisa ang deportation order sa isang Pinay

Apr. 23, 2015 (Thu)


Ayon sa news na ito from Yomiuri Shimbun, pinawalang bisa ng isang judge ng Tokyo supreme court kahapon April 22 ang deportation order ng immigration sa isang Pinay dahil ito ay taliwas sa batas. Pina-withdraw din ng Tokyo supreme court ang naging hatol ng Tokyo district court which approved the deportation ng Pinay before.

Ang kababayan nating ito which is living in Tokyo, 53 years old ay nakapasok nang Japan noong year 1987 using passport of the other person. Meaning peke ang identity nya, then naging isang overstayer, at nahuli.

Sya ay nakipag live-in sa kasintahan nyang Japanese noong year 2011, then on May 2013 sya ay binigyan ng deportation order by the immigration. August 2013, after the deportation order, sya ay nagpakasal sa Japanese na kalive-in nya.

Ayon sa naging hatol nang supreme court, ang deportation order at that time ay hindi naaayon sa batas dahil ang relationship ng Pinay at ng Japanese at that time ay nalalapit na sa kasalan at ang pagsasama nila bilang mag-asawa ay malapit ng maging legal. Kung hindi sya nabigyan ng Special Visa to stay in Japan at that time, maintaining their relationship will be difficult ayon pa sa supreme court.

Naglabas naman ng comment ang Tokyo Immigration about sa naging hatol na ito and they said that they will review the result and do some discussion about it to related parties.