malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents




Standardization ng toilet mark sa Japan, isasagawa (01/17)
Tuition fee sa Private High Schol in Tokyo, gagawing libre (01/17)
Ate, sinakal at pinatay ng nakakabatang kapatid na babae (01/17)
Mother, huli sa pagsakal at pagpatay sa anak na 1 year old (01/17)
Nigerian na lalaki, huli sa pagpatay sa Pinay na pumatay sa dalawang anak nito (01/17)


CAREWORKER Working Visa, aprobado na ng mga mambabatas sa Japan

Nov. 18, 2016 (Fri)


Ayon sa news na ito from NHK, naaprobahan na ng mga mambabatas sa mataas na kapulungan dito sa Japan today November 18 ang pagkakaroon ng CAREWORKER VISA, a new type of working visa upang dumami pa ang workers na nagkukulang now sa medical field ng Japan.

Sa pagkakaroon ng bagong visa na ito, madali na para sa mga nag-aral at nagtapos ng careworker dito sa Japan na makakuha ng legal na working visa at makapag trabaho ng tuloy-tuloy. Maa-identify na isang skilled labor ang kanilang work at mabibigyan ng working visa.

So kung nakapag-aral po kayo at nakatapos ng CAREWORKER course dito sa Japan, at nakapasa ng CAREWORKER licensure examination at meron willing na mag-employ sa inyo, madali na para sa inyo na makakuha ng working visa to stay here in Japan and work as long as you want.