malago logo    Home    About Us    Forum    Portal    MyProfileLog InSign Up

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy Crime
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)




Nakitang patay na bata sa drainage canal, isang Vietnamese (03/27)
Batang babae, natagpuang patay na hubot hubad sa gilid ng canal (03/26)
1 week old baby girl, natagpuang iniwan sa ilalim ng overpass (03/25)
2 British na lalaki, huli sa pag-smuggle ng drugs sa Narita (03/25)
Babaeng nakasakay sa wheel chair, nahagip ng train, patay (03/25)


2 Vietnamese refugee visa applicants, hinuli ng immigration

Jan. 22, 2016 (Fri)


Ayon sa news na ito, hinuli ng immigration at mga police noong January 20 ang dalawang Vietnamese, isang lalaki na 24 years old, at isang babae na 20 years old sa charge na pandaraya ng mga document upang makapag apply ng refugee visa at makapag trabaho ng legal dito sa Japan.

Nalaman sa investigation ng mga pulis at immigration na meron nagturo na broker sa dalawang ito kung paano makapag-apply ng refugee visa at makapag-stay and work here in Japan ng matagal. Ang dalawang ito ay nakapasok ng Japan bilang RYUGAKUSEI (Student Visa Holder) noong March 2013 (lalaki) at April 2014 (babae). Nag-aarubaito rin sila habang nag-aaral sa Fukuoka Prefecture.

Then noong June 2015 ang dalawang ito ay lumipat ng address sa Shinjuku Tokyo ng panandalian lamang. Kumuha sila ng Residence Certificate dito at saka sila nag-apply ng Refugee Visa sa Tokyo immigration. Ang reason nila ay nanganganib daw ang buhay nila pag-umuwi sila sa Vietnam dahil pinaghahanap sila ng isang black company na inutangan nila dito sa Japan.

After na makapag-apply at bago matapos ang span na 6 months kung saan magiging allowed na silang mag-work, nalaman ng immigration na ang dalawang ito ay bumalik ng Fukuoka at patuloy na nagtatrabaho sa isang company sa Kitakyuusyuu City.