Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10) Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10) Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10) USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10) Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)
Paalala: Hindi majority ng mga Hapon ay nakakapag-salita ng English Sep. 29, 2024 (Sun), 166 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Isang paalala lamang at pakiusap sa mga kababayan nating bagong pumapasok ng Japan, tandaan po natin na kung pupunta kayo ng Japan, hindi po lahat o majority ng mga Japanese ay nakakapag-salita ng English, kaya wag po tayong mag-expect na kaya nilang makipag-communicate kung tatanungin o kaka-usapin nyo sila.
Share ko lang yong nakitang incident ng kaibigan ko. Meron isang kababayan natin na nakita ng kaibigan ko na pumasok ng McDo at nag-order. Nag-order sya in English, subalit kahit na anong sabihin nya ay hindi sya talaga maintindihan ng staff dahil nga siguro sa hindi din ito marunong magsalita ng English.
In the end, hindi sila nagka-intindihan, at umalis na galit si kabayan dahil siguro sa gutom na sya at wala syang na-order.
Sa mga malalaking public facility in Japan like airport, major train station, immigration at iba pa, maaaring meron silang mga staff na marunong magsalita ng English. Pero in most part here in Japan, marami pa din talagang hindi marunong magsalita ng English kahit na basic pa lamang.
Ang point ko po dito, ay wag po tayo mag-expect na merong makaka-intindi sa inyong Japanese agad kapag nagsalita ka ng English. Dahil sa hindi English ang major language nila.
Maging ready po tayo sa ganitong situation tulad ng paggamit ng mga appli na makakatulong sa pag-translate at pakikipag-communicate sa kanila lalo na kung bagohan po kayo sa Japan. At higit sa lahat ay hwag magalit kung hindi kayo nagka-intindihan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|