malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10)
Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10)
Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10)
USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10)
Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)


Lalaki galing sa Pinas na kinagat ng aso, namatay sa rabies

Jun. 15, 2020 (Mon), 1,433 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Aichi Toyohashi City. Ayon sa news na ito, naglabas ng pahayag ang nasabing municipality na ang isang lalaking gaikokujin (hindi clear na binanggit sa news kung Filipino sya) na naka confine sa isang hospital sa lugar nila dahil sa rabies ay namatay noong June 13. Its been 14 years na ang nakakalipas sa ngayon na meron namatay dito sa Japan sa ganitong sakit.

Ayon sa nilabas nilang pahayag, ang lalaki, nasa 30's ang age, ay galing ng Pinas at pumunta dito sa Japan para mag work noong February.

Last month, nagpa check-up sya dahil sa sakit na nararamdaman nya sa ankle at tyan, at ito ay nagsusuka. Nakikitaan din daw sya na natatakot sa tubig ito. Pinadala ng hospital ang result ng medical test sa Japan National Institute of Infectious Diseases, at dito lumabas na ang sakit nya ay dulot ng rabies mula sa aso. Na-confine ang lalaki sa hospital subalit ito ay namatay din noong June 13.

Nalaman din ng local municipality na ayon sa family nito, ang lalaki ay nakagat ng aso sa Pinas noong September 2019. Sya ay nakagat sa ankle nya.

Noong year 2006, meron ding dalawang Japanese na parehong lalaki ang nakagat ng aso sa Pinas at ito ay parehong namatay din ayon sa news.

Ayon sa Japan Ministry of Health, ang rabies ay nagmumula sa mga aso at pusa na maaring mahawa kapag nakagat ka nito. Usually hindi ito nata-transfer from human to human. Kung mabibigyan ka agad ng vaccine at the time na makagat ka ng mga aso, maaaring maprotektahan ang sarili mo, subalit kapag huli na at hindi agad naagapan ang rabies, 100% sure daw na mamamatay ang pasyente na nakagat ng aso.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.