Nanay at dalawang bata, natagpuang patay (12/10) Narita aiport, hihigpitan ang laban against drug smuggling (12/10) Bonus ng government employees, ibinigay na today (12/10) USJ Donkey Kong new area, to open tomorrow (12/10) Tomato 248 Yen, Kyabetsu 400 Yen (12/10)
Pinoy, huli sa lumalaganap na nakawan ng pokemon trading card Feb. 01, 2023 (Wed), 503 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, hinuli ng mga pulis kahapon January 31, ang isang kababayan nating Pinoy, age 27 years old, construction worker, living in Chiba City, at isa pang Japanese na lalaki, age 25 years old na taga Yokohama City, matapos na mapatunayang sabit sila sa nakawan ng Pokemon trading card.
Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang mga ito ay ginawa ang pagnanakaw noong August 17 last year ganap ng 3:20AM ng madaling araw sa isang trading card shop sa Tokyo Chiyoda-ku.
Umakyat daw sila sa taas ng jidou hanbaiki na nasa labas ng store at binasag ang glass sa 2F para makapasok sa loob. Tinangay nila ang 540 pirasong trading card na nagkakahalaga ng 2,660 lapad.
Inamin naman ng kababayan natin ang charge laban sa kanya at ayon dito, meron daw syang syakkin kung kayat nag-apply sya sa mga online yami arubaito.
Sa Tokyo lamang, merong naitatalang 6 na nakawan na related sa trading card kung kayat sinisiyasat sa ngayon ng mga pulis kung kagagawan nila din ito. Sinisiyasat din nila sa ngayon kung sino ang nagbigay ng utos sa kanila.
Sa ngayon, nagtataasan ang presyo ng trading card ng pokemon at ito ang nagiging dahilan sa mga nangyayaring nakawan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|