Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy, karapatan nyo na makauwi sa sarili nyong bansa Mar. 13, 2020 (Fri), 903 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Nakakapagod na rin sumagot sa mga daan-daang katanungan na natatanggap namin dito sa MALAGO araw-araw ng paulit-ulit, asking kung makakauwi ba raw sila sa Pinas kapag meron travel ban, and for daily updates. Minsan gamitin na lang natin ang ating mga common sense para di tayo mag-alala po.
Magkaroon man ng TRAVEL BAN dahil sa kumakalat na coronavirus, bilang Pinoy, and holding a Philippine passport, it is your RIGHTS na makauwi sa sarili mong bansa. Maging ano man ang type ng VISA na hawak mo sa ngayon, pwede kayong makauwi at makapasok muli sa sarili nyong bansa any time you want dahil karapatan mo yon bilang Filipino citizen.
So anoman pong mangyari, wala dapat kayong alalahanin kung makakauwi o makakapasok po ba kayo ng sarili nyong bansa. Dapat nyo lang confirm ang inyong flight schedule sa airliner na gagamitin ninyo. Para naman sa mga quarantine or lockdown info, better to confirm it directly sa inyong local municipality kung saan kayo nakatira sa Pinas para alam nyo ang tamang info at wag kung sino-sino sa mga SNS.
Kapag nagkaroon naman ng TRAVEL BAN dito sa Japan para sa ating mga Filipino, since hindi tayo mga Japanese passport holder, hindi tayo basta-basta makakapasok dahil wala tayong RIGHTS bilang mga Japanese. Maaaring makapasok tayo depende sa restrictions ng BAN na ilalabas nila kung sakali, for example ay mga Permanent Visa holder lang ang pwede, something like that.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|