malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


9 Japanese broker na tumutulong sa mga JFC, hinuli ng mga pulis

Feb. 14, 2015 (Sat), 1,666 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ito na nga ba ang sinasabi ko sa mga nanghihingi ng advise here about sa mga organization na kunyari ay bibigyan ng tulong ang mga Japanese Filipino Child (JFC) na nasa Pinas kasama ang kanilang mga nanay para makapunta dito sa Japan, this news ay para sa inyo. Pakibasa po at share nyo sa mga kakilala nyo na nagbabalak pa lang na pumunta here sa Japan sa tulong ng mga NGO or NPO kuno sa Pinas. Actually marami na kaming naririnig na ganitong case subalit ito ang pinakamalaking incident ata na nahuli ng mga pulis now.

Ayon sa news na ito, ni-raid ng mga Gifu police ang club sa Gifu at Aichi-ken na pag-aari ng isang broker na syang nagpapapunta sa mga JFC dito sa Japan kung saan pinapangakuan nilang tutulungan nila ang mga ito na magkaroon ng Japanese citizenship or Permanent Visa.

Ayon sa mga pulis meron biktimang mag-inang Pinay ang nakatakas sa poder ng mga ito noong August 2014 na nasa pangangalaga nila ngayon at ito ang naging susi para mahuli ang mga broker na ito. Ang mga ito ay nagpapanggap na isang organization sa Pinas na tumutulong sa mga JFC at mga nanay nito. Pinapangakuan silang tutulungan sa registration ng kanilang anak, tutulungan na makapag-apply ng mga benefit tulad ng kodomo-teate, at wala silang babayarang anuman papunta dito sa Japan, subalit ang kapalit daw nito ay ang pagtrabaho sa mga factory for 4 years.

Pero ng sila ay dumating sa Japan iba ang tunay na mangyayari pala. Walang anoman sa mga pangako nito ang natupad. Pagdating dito sa Japan, sila ay diniretso agad sa isang dormitory ng sumalubong na Japanese sa airport, then sapilitang papipirmahin ng kung ano-ano dahil meron daw itong pagkakautang at kailangang bayaran ng biktima. Upang mabayaran ito, kailangan nilang mag-trabaho sa mga club katulad ng incident na ito, at ang salary lamang nila ay 100 YEN for one hour.

Kinukuha rin ang kanilang mga passport upang hindi makatakbo at tinatakot pang meron mangyayari sa kanilang anak kapag hindi sila sumunod at makikita rin sila kahit san pa sila pumunta kung sakaling tumakas sila.

Ang tumakas na mag-ina na syang naging susi sa paghuli sa mga ito ay nakatakbo ng ang Japanese na lalaki na nagbabantay sa kanila ay pumunta ng Pinas. Tinatayang mahigit 80 katao na JFC ang mga napapunta ng organization na ito ayon sa mga pulis.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.