Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pumatay sa dalawang Pinay na nahatulan ng death penalty, namatay bago mangyari ang death execution Dec. 13, 2020 (Sun), 1,328 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, naglabas ng pahayag ang Japan Ministry of Justice today December 13, na ang isang Japanese na lalaki, age 61 years old, na nahatulan ng death penalty dahil sa pagpatay nya sa dalawang Pinay ay namatay today December 13.
Unang nasangkot ang lalaki sa pagpatay sa isang Pinay na kababayan natin noong April 1999. Ang Pinay, age 27 years old at that time, ay kanyang sinakal sa kanyang tirahan sa Yokohama City. Ito ay namatay subalit di sya nahatulan ng murder charge kung kayat nakalabas din ito.
Then noong April 2008, isang kababayan naman nating Pinay din, age 22 at that time ang kanyang pinatay at pinagpuputol ang katawan nito at itinapon. Dahil sa crime na ginawa nyang ito, sya ay nahuli at napatawan ng death penalty ng supreme court noong December 2012.
Sya ay nakakulong sa Tokyo Detention House at naghihintay ng death penalty execution, subalit nagsimulang nagkaroon ng health problem ito noong November 2018. Dahil sa sakit nya sa kidney at high blood pressure merong artificial dialysis na isinasagawa sa kanya simula noong December 2018.
Then noong last week ng November this year, nagkaroon ito ng mataas na lagnat at ayaw nyang mag-take ng antibiotics, at nitong December 11, di na rin nya gustong isagawa ang artificial dialysis sa kanya. Then kahapon December 12, nakitang nahihirapan na itong huminga, at nawalan ng ulirat bandang 11PM, at today December 13 bandang 00:42AM, na declare na ito ay namatay na dahil sa chronic kidney failure ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|