malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Refugee application, magiging limitado na lamang

Mar. 07, 2023 (Tue), 453 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa news na ito, inaprobahan today March 7 ng Japan present administration ang mga pagbabagong mangyayari sa kanilang immigration policy na naantala matapos na mahinto ang delivery nito sa congress dahil sa mga sunod-sunod na batikos tungkol dito last year.

Halos walang pagbabago sa naipasang policy na ito last year, at malaki ang possibility na maaprobahan ito ng mga mambabatas.

Isa sa nilalaman nito ay ang paglimit na lamang sa pag-apply ng refugee para sa mga paulit-ulit na nag-aapply nito upang makatakas sa deportation order sa kanila at nanatiling nakakulong sa loob ng immigration detention center.

Lilimitahan nila ito ng hanggang dalawang beses na lamang, at di nila tatanggapin ang third time application ng mga nag-nanais para lang manatiling mag-stay dito sa Japan lalo na yong meron mga violation maliban sa pagiging illegal stay nila.

Nagiging malaking problema ng Japan ito sa ngayon ang pagdami ng mga nakakulong sa immigration detention center na halos ang karamihan daw ay meron mga deportation order at meron mga nilabag na batas.

Naglagay din sila ng bagong policy na maaaring makalabas ang isang nakakulong sa detention center kung eligible sya at kung meron itong taong tatayong guarantor at magri-report sa kanila.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.