Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Mag-ingat sa PAL na namemera sa gipit na OFW passenger Oct. 15, 2023 (Sun), 316 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tulad ng mga naipo-post ko dito na mga scam alert bilang isang paalala lamang sa mga kababayan natin, mostly ang mga ito ay gawain ng mga individual scammer. Subalit may mga company din na gumagawa nito at yan ang gusto kong share sa inyo dito bilang isang paalala lamang din po.
Sa matagal ng operation ng MALAGO FORUM, marami na din akong natanggap na mga reklamo dito mula sa ilang kababayan natin na hindi maganda tungkol sa service ng Philippine Airlines (PAL). Di ako naniniwala before, pero ng mangyari ang ginawa nila sa isa kong kaibigan, now I beleived na may part na hindi maganda sa pamamalakad nila.
I want to share it here para maging aware po ang mga followers namin dito sa MALAGO. It is a long story para malaman nyo ang details ng pangyayari, then sa huli, kayo na po ang magbigay ng hatol kung tama ba ang ginawa nila overall. It will also give you an information kung ano ang dapat nyong gawin in case na mangyari at ma-experience ninyo ang ganitong situation.
Here it goes. Last August 2023, nagtravel ang kaibigan ko sa Singapore kasama ang kanyang asawa at anak for visit purpose. Early of the year pa lang, nagpa reserve na sila ng ticket sa PAL para makamura sila at makatipid dahil alam nilang mahal mamasyal doon. Nakuha nila ang round trip ticket ng mahigit 283 USD (Nasa almost 15,000 PHP that time) per head.
Then comes the day ng flight nila which is August 15, bandang 5AM ang departure time. Around 3AM nasa NAIA Terminal 1 na sila for the flight. Then when they are about to check-in, napansin ng personnel na ang NAME ng kaibigan ko sa passport nya ay iba sa name na nakasulat sa reservation system nila. Yong SURNAME nya ang nailagay sa FIRSTNAME. They said na hindi nila pwede ma-checkin ang kaibigan ko kasi magkaiba ang name, at kailangan nyang ipabago ang pangalan nya na naka register don sa booking ng ticket sa system mismo ng PAL. They can't make any changes on it dahil sa hindi pala sila mismo staff ng PAL at parang contractor lamang sila, kung kayat sinabihan nila ang kaibigan ko na pumunta mismo directly sa office nila to request for it.
Dahil sa madaling araw palang, close pa daw ang office nila sa Terminal 1 at kailangan na pumunta ng kaibigan ko sa Terminal 2 para i-request na ipa-edit ang name nya sa system nila. Dali-daling pumunta sya don upang umabot sa departure time at maka-alis silang buong pamilya.
Along the way, since need lang edit ang name nya, bilang processing charged, siguro kinakailangan nyang magbayad ng mga 1K to 5K. Or maybe 10 to 50% cost ng original ticket price na nakuha, yon ang naiisip ng kaibigan ko. Pero di nya inakala na magiging worst pa pala ang mangyayari sa kanya.
Pagdating nya sa Terminal 2, agad syang pumunta sa ticket office ng PAL na bukas nga at sinabi ng kaibigan ko ang situation nya. Pinakiusapan nya na baguhin yong name nya after na ipakita yong ilang personal identification document. The lady staff confirmed yong identity nya at sinabi nitong pwede nya lang daw edit ang 2 letters sa name ng kaibigan ko which is 6 letters lamang din.
Pinakiusap ng kaibigan ko na edit agad dahil sa malapit na nga ang departure time nila which is around 5AM pero ayaw ng staff. Lagi lang nitong sinasabi na di nya pwede gawin, at sinabi din nito na di pwede sumakay sa plane na yon ang kaibigan ko. Ang pwede nya lang gawin para makasakay ay bumili ng panibagong ticket.
Nakiusap pa din sya na baguhin na lang ang name nya since may edit function naman pala yong system nila at babayaran na lang nya kung magkano ang magiging processing charge. But then hindi pa rin naging maganda ang response ng staff.
Nag explain ang kaibigan ko na it is inevitable na magkamali sa paglagay ng info sa booking registration kahit saan, kaya meron mga EDIT functionality ang mga system dahil sa mga simple human error na tulad sa nangyaring case na ito. At bilang customer nila, tama lang siguro na magbigay sila ng assistance. But then kahit na anong explanation at pakiusap na gawin ng kaibigan ko, nabigo pa din syang mabigyan ng tamang assistance ng staff ng PAL.
Knowing na wala syang makukuhang anomang assistance sa staff at cooperation, at dahil sa naii-stress na at high-blood na din sya, para maiwasan na hindi ma-delay ang flight nila at umabot sa departure time, wala syang nagawa kundi bumili ng panibagong ticket na umabot sa 39,418 PESOS (Check the picture below) using his credit card. In short, ibinenta ulit ng PAL sa kanya ang upuan nya sa plane (same flight and seat) na napa-reserved na nya before na nakuha nya sa murang halaga.
Just like that at wala pang isang minuto, kumita ng mahigit 40K pesos ang PAL mula sa isang OFW na kaibigan ko dahil sa sinamantala nila yong gipit na situation ng kaibigan ko na dapat ang tamang ginawa nila ay bigyan ng agarang assistance upang hindi ma-delay ang flight at walang maging hassle sa ibang passenger boarding that plane.
After this, bumalik agad sya sa Terminal 1 at pumunta ng check-in counter ulit. Sinabi nya sa staff kung ano ang nangyri at maging ang supervisor don ay medyo naawa sa kaibigan ko dahil parang hindi tama ang ginawa ng PAL. Wala din daw sila magagawa dahil nga wala silang access na baguhin ang mga information sa booking system ng PAL.
Natapos lahat ang check-in process at sinabi ng staff don na pwede daw ma-refund ng kaibigan ko yong unang ticket na binili nya at binigyan sya ng contact info ng PAL kung saan sya pwede makapag-inquire. Kinuha nya ito at itinago at plano nyang mag-inquire after their trip at makabalik ng Japan. Nakapag board sila on time and the plane depart on time din.
My friend stay in Singapore for 1 week dahil yon ang itinerary nila. Pero dahil sa pagkuha ng PAL ng malaking halaga sa kaibigan ko, na cancel ang ilang activity nila sa Singapore na ipinangako nya sa anak nya bago pa man sila umalis patungo don.
Then, after na makabalik sila sa Singapore at makauwi ng Japan, sinubukan ng kaibigan ko na kontakin ang PAL support center. They have this email na WECARE@pal.com.ph. They use the word "WE CARE" as their slogan daw in customer support, so nag-expect ng kunti ang kaibigan ko na maibalik sa kanya yong pera na binayad nya for the new ticket na umabot ng 40K pesos.
He contacted the person in-charge at isinilaysay nya ang nangyari sa kanya at ginawang assistance ng PAL staff, and requested for the refund ng bagong ticket na binili nya. Nag-reply naman ang person in-charge at sinabi nito na pwede lang daw nya ma-refund ay yong unang ticket na binili nya which cost 283 USD, at para magawa ang refund, meron pa daw ibabawas don na processing charge. Nai-forward na daw nya ang tungkol dito at hinihintay na lang nya ang response.
Makalipas ang ilang araw, nag-reply ulit ang kausap nya at ayon dito, may ibabawas nga na mahigit kalahati sa total amount ng unang ticket na binili ng kaibigan ko bilang processing charge to complete the refund work.
Sa inis ng kaibigan ko, hindi sya pumayag at sinabi nyang dapat yang hinihingi nilang processing charge sa refund na bayad ngayon ay syang hiningi nilang kabayaran at the time na pinababago pa lang nya ang name nya noon. That way naging maganda pa ang customer assistance nila, hindi daw sya na-stress at naging smooth pa ang pag-alis nila. Ang ginawa kasi ng PAL ay sinamantala nila ang gipit na situation ng isang OFW para lang mas lalong kumita ng pera. Kaya ang hinihingi nya ay ang refund ng kabuoang amount ng second ticket na pinabili sa kanya ng PAL lady staff.
Medyo naintindihan ng kausap nyang staff ang situation ng kaibigan ko kayat nais nyang i-forward daw ito sa upper management for refund processing. After that merong sumagot na mga staff mula sa customer support nila. Then inulit muli ng kaibigan ko ang explanation nya kung bakit nais nyang maibalik sa kanya ang buong amount na ibinayad nya sa second ticket.
Ang akala ng kaibigan ko ay magkakaroon na ng magandang result sa gusto nyang mangyayari subalit simula lang pala ito ng walang katapusang pagpapa-asa sa kanya ng customer support ng PAL. Wala ng nangyari sa usapan, at kung hindi sya magtatatanong for update wala syang malalamang balita. The worst thing pa ay every time na mag-iinquire sya, iba-ibang staff ang sasagot, na parang ipagpapasa-pasahan ang case ng kaibigan ko.
Umabot na ang more than a month simula ng mag-inquire sya for refund at sinabi na lang ng kaibigan ko na inyo na lang daw ang pera na nais nyang refund kung yong kalahating amount lang ng first ticket nya ang ibabalik nila. Nauubos lang daw kasi ang time nya sa pakikipag usap sa kanila na walang nangyayari. Pero nag reply ulit ang customer support ng PAL na bagong tao na naman at sinasabi lang nitong they are waiting for the upper management.
From that last communication until the posting of this article, walang anomang naging reply na ang PAL with WECARE slogan. Gumagamit pa sila ng ganyang slogan na in reality pala ay parang WE SCAM ayon sa kaibigan ko. Because of this, he decided to share his story and post it here in MALAGO para share sa mga user namin at maging aware na maaaring mangyari din ito sa inyo kung PAL ang sasakyan nyo.
Me and my friend is living in Japan for more than 20 years now, and during that period nakasakay na kami ng PAL for many times. Hindi na din namin mabilang kung ilang beses, kasi support your own flag carrier ika nga. Pero after this incident, we promise that we will NEVER EVER use PAL again at baka ma SCAM muli kami.
So that's it po. End story na po. So, sa tingin nyo po, tama po ba ang ginawa ng PAL at naging customer assistance nila sa kaibigan ko? O pinakita lang nila dito na piniperahan nila ang sinomang magkaroon ng gipit na situation maging OFW ka man or isang traveller lamang. Kayo na po ang mag-judge.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|