Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Kuruma, rumatsada sa mga batang naglalaro sa kouen May. 16, 2019 (Thu), 995 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Chiba Ichihara City. Isa na namang car accident ang nangyari kung saan muntikan na namang maging biktima ang mga paslit na bata na naglalaro. Ayon sa news na ito, isang car accident ang nangyari kahapon May 15 ganap ng 10:30AM sa isang park sa lugar na nabanggit.
Ang kuruma na minamaneho ng isang matandang lalaki, age 65 years old ay biglang rumatsada sa park kung saan naglalaro ang mga maliliit na bata. Sa area kung saan meron mga buhangin bumunggo ang kuruma at himalang nasagip ng staff ang mga bata at sya ang nahagip nito.
Meron limang maliliit na bata na naglalaro sa buhangin at dalawang babaeng nursery staff, nasa thirties ang age, na nagbabantay sa kanila at the time na rumatsada ang kuruma sa kanila. Nagawang itulak ng isang staff na babae ang mga bata at nakaligtas ito at sya ang nahagip at nasa malubhang kalagayan sa ngayon.
Hinuli naman ng mga pulis ang lalaking driver ng kuruma. Ayon sa pahayag nito, ang kuruma ay nakapark sa harap ng kouen bago mangyari ang incident. Kanyang kukunin sana ang parking ticket sa loob ng car at ilalabas na nya ito ng bigla itong rumatsada ng mabilis at bumunggo sa fence kung saan naglalaro ang mga bata.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|