Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
New policy ng Child Care benefit, unti-unti ng nagiging malinaw Mar. 26, 2023 (Sun), 375 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, unti-unti na ding nagiging clear kung ano-ano ang maaaring gawing pagbabago sa Child Care Benefit system na para sa mga bata dito sa Japan na nais nilang baguhin upang mapataas ang kanilang birth rate.
Unang maaaring baguhin ay ang pagtanggal ng annual income limit para sa parents ng mga batang tumatanggap nito. Maaring alisin na nila ang limit na ito at ang lahat ng bata ay maaaring makatanggap na kahit na mayaman pa ang kanilang parents.
Second ay ang pagtaas ng age limit nito. Sa ngayon ay hanggang Junior High School lamang ang nakakatanggap nito, at ito ay maaaring gawin nilang hanggang pagtapos ng Senior high school ng bata.
Third ay ang pagbibigay ng additional support para sa mga family na meron mga anak na marami. Malaki ang possibility na isagawa din daw nila ito dahil sa mas malaki ang problem ng mga parents na marami ang anak.
Pang-apat ay tungkol sa amount na binibigay monthly, Meron ding possibility na baguhin ito at maaaring taasan din daw.
Malalaman natin ang final decision nila sa changes ng policy nilang ito next week kapag naglabas ng official na pahayag ang Prime Minister ng Japan tungkol dito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|