Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinay, binuhusan ng gas at sinindihan ng partner na Iranjin Nov. 12, 2016 (Sat), 13,157 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ibaraki Tsuchiura City. Ayon sa news na ito, nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa isang staff ng restaurant na meron taong nasusunog sa loob ng restaurant nila kahapon November 11 ng hapon.
Nangyari ang incident ganap ng 3PM sa isang family restaurant sa loob ng JR Tsuchiura station. Agad na napatay naman ang apoy subalit ang dalawang biktima ay parehong nagtamo ng masamang sunog sa katawan at nasa malubhang kalagayan ngayon. Ang dalawa ay nakilalang isang Iranjin na lalaki, age 52 years old at isang Pinay, age 36 years old.
Ayon sa mga pulis, ang dalawa ay magka-relasyon at meron gulo sa isat isa dahil sa anak nila. Ang babae ay tinakot na before ng lalaki sa pamamagitan ng pagtutok ng kutsilyo dito. Pinayuhan ng mga pulis last month na wag magkikita sa isat isa ang dalawa ayon sa news na ito.
Ayon naman sa nakasaksi sa pangyayari sa loob ng restaurant, ang babae ay binuhusan ng parang liquid ng lalaki, bago sila makakita ng apoy. Sinisiyasat ngayon ng mga pulis ang kaso bilang attempted murder ayon sa news na ito.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|