Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Trouble ng mga Pinoy looking for their Japanese parent, dumarami Nov. 15, 2023 (Wed), 436 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito from NHK, dumarami sa ngayon ang mga kababayan natin na pumapasok dito sa Japan looking for their Japanese father at sa likod nito ay ang dumadami ding mga trouble.
It's been more than 20 years now, simula daw ng dumami ang pumasok na mga Pinay entertainer dito sa Japan. At ang mga anak ng ibang kababayan nating entertainer sa Japanese partner nila na hindi na-recognize ay mostly mga adult na din sa ngayon.
Ang mga ito daw sa ngayon ay pumupunta dito sa Japan as a tourist subalit ang main purpose ng karamihan ay hanapin ang kanilang Japanese father. Dahil sa kakulangan nila ng information at orientation sa batas dito sa Japan, marami ang naloloko at nasasabit sa ibat ibang trouble ayon sa mga NGO or NPO na nagbibigay ng support sa kanila.
Upang mabawasan ang ganitong dumaraming problema, nanawagan ang mga NGO/NPO sa Japanese government na magkaroon ng policy upang masuportahan ang mga ito ng hindi masabit sa ibat-ibang gulo..
Dapat din daw na magkaroon ng cooperation ang Japan at Philippine government para mabigyan ng solution ang dumaraming problemang ito sa ngayon.
PAALALA: Ito na din po yong sinasabi ko here in Malago noon pa na dahil sa kapabayaan ng kanilang parents, sa huli ang magkakaroon ng mabigat na problem ay ang kanilang anak. Sila ang mahihirapan sa ganitong problema in the future talaga.
Kung ano man ang problema nyo, mentally, emotionally or financially man, kung kayo ay buntis at ang ama ay isang Japanese, ipaglaban nyo ang karapatan ng dinadala ninyong bata at hwag uuwi ng hindi naaayos. Nang sa ganun ay hindi mahirapan ang inyong anak paglaki nya. Magtanong sa mga lawyer, city hall at ibang tao kung hindi alam ang mga batas at kung ano ang dapat gawin upang makunan nyo ng citizenship o ma-regonize ang inyong dinadalang baby.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|