malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




060 Series cellphone numbers, to start issuance on July 2026 (12/20)
5 Chinese & Vietnamese, huli sa pagnanakaw ng jitensya (12/20)
Palitan ng YEN to PESO, biglang bumagsak, back to 0.37 mark (12/20)
6 Nepalese na lalaki, huli sa di pagbabayad ng train ticket (12/19)
First snow in Tokyo & Osaka this year, naitala today (12/19)


Baby girl, iniwan ng more than 11 hours, namatay sa heatstroke

Jul. 01, 2022 (Fri), 733 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Osaka Tondabayashi City. Ayon sa news na ito, isang 2 years old baby girl ang namatay sa heatstroke noong June 29, matapos na iwanang mag-isa ito sa loob ng bahay ng kanyang lola na nag-aalaga sa kanya.

Natagpuan nila ang bata ng gabi ng sila ay umuwi ng bahay at ito ay hindi na humihinga at matigas na ang pangangatawan kung kayat agad silang tumawag ng ambulance. Pinuntahan agad ito ng mga rescuer subalit ito ay patay na ng sila ay dumating.

Hinuli ng mga pulis ang lola nito age 46 years old at asawang lalaki age 50 years old sa charge na pagpapabaya sa bata na nasa custody nila. Ayon sa lola, lumabas sila ng bahay na mag-asawa kasama pa ang 5 years old nilang anak, at iniwang mag-isa ang bata ng more than 11 hours.

Pumunta daw sila sa USJ upang mag-asobi at magtanggal ng stress sa pag-aalaga sa bata. Bago sila lumabas ng bahay, iniwanan nilang nakabukas ang aircon at naka set sa 28 degrees, at pati ang electric fan ay naka-open din.

Ang bata ay inilagay nila sa playpen na meron taas na 88cm upang di makalabas ang baby. Ang bata ay natagpuan nilang nakahandusay at ito ay sumuka ng dugo. Ayon sa doctor, kahit na nakabukas ang aircon, meron possibility na mamatay ang bata sa heatstroke kung hindi ito umiinom ng tubig.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.