malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Isang family pinasok sa bahay, mag-asawa patay, mga anak sugatan

Sep. 23, 2019 (Mon), 916 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ibaraki Sakai Town. Ayon sa news na ito, isang bahay ng isang pamilya sa lugar na nabanggit ang pinasok ng di pa nakikilalang salarin at pinatay nito ang mag-asawa at sinugatan naman ang dalawa pang anak nito.

Nangyari ang incident today September 23 ganap ng madaling araw. Nakatanggap ng tawag ang mga pulis sa isang babae na nanghihingi ng tulong at agad nilang pinuntahan ang lugar nito.

Nakita nila ang mag-asawang duguan at patay na sa ibabaw ng futon sa 2nd floor ng bahay. Ang asawang lalaki, age 48 years old, company employee at ang asawang babae naman, age 50 years old, arubaito, ay parehong merong mga saksak sa leeg at meron hiwa sa mga mukha.

Ang anak nitong lalaki, age 13 years old ay nagtamo ng sugat sa paa, at ang anak namang babae, age 11 years old ay nagkaroon din ng injury. Ang dalawang bata ay natutulog din sa 2nd floor sa kabilang room.

Ang isa pa nitong anak na panganay na babae, age 21 years old, university student na natutulog sa baba ng bahay ay ligtas at walang injury.

Hindi makita ng mga pulis ang patalim na ginamit ng salarin sa pananaksak sa mag-asawa. Malaki ang possibility na ang salarin ay galing sa labas ng bahay at pumasok sa hindi naka lock na pintuan. Iniimbistigahan nila ang case na ito sa ngayon ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.