Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
1,600 lapad, nakita sa loob ng pressure cooker sa basurahan Nov. 08, 2022 (Tue), 585 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Okinawa Onna Town. Ayon sa news na ito, isang malaking cash money na umabot sa 1,600 lapad ang natagpuan ng tatlong lalaki sa loob ng pressure cooker ng sila ay nag-hahalungkat ng mga basura sa isang garbage disposal sa lugar na nabanggit.
Nangyari ang incident na ito noong May 2021, na ikinagulat ng tatlong lalaki ng makita nila. Agad nila itong ini-report sa mga pulis at pati sa in-charge sa garbage disposal facility, at makalipas ang tatlong buwan na hindi nagpakita ang taong maaaring may pag-aari nito, napunta sa kanila ang cash amount.
Subalit hindi dito natapos ang case na ito dahil humabol ang local municipality at nag-file sila ng case sa korte kung saan, sinasabi nilang sa kanila dapat mapunta ang pera dahil pag-aari nila ang facility, at ang tatlong lalaki ay pumasok lamang sa private property na garbage disposal.
Lumaban din ang tatlong lalaki at ayon naman sa kanila, wala naman daw concern ang local municipality sa garbage facility at di nila inaasikaso ang mga basura dito kung kayat sa kanila dapat mapunta ang cash money dahil sila ang nakakita dito.
Matapos ang more than 1 year na paglalaban nila sa korte, lumabas ang hatol ng judge at ibinigay nila sa local municipality ang pag-aari sa 1,000 lapad, at ang 600 lapad naman ay napunta sa tatlong lalaking nakakita nito. Parehong pumayag naman ang both side sa naging hatol ng korte.
Matapos na ibawas ang charge ng lawyer at iba pang gastusin sa pakikipaglaban ng tatlong lalaki sa korte, 300 lapad na lamang ang natira. Dito napagkasunduan na lamang nilang i-donate ang natitirang 300 lapad sa town municipality nila bilang support sa nagtataasang bilihin daw sa ngayon.
Ang 1,000 lapad naman na napunta sa local municipality ay kanilang inilagay sa scholarship program nila ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|