malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Cebu Pacific passenger, hindi na naman nakalapag on-time sa Fukuoka Airport

May. 20, 2024 (Mon), 241 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa news na ito, isang plane ng Cebu Pacific ang hindi na naman nakalapag on-time sa destination nitong Fukuoka Airport kahapon May 19 dahil sa ilang issue. Nag-divert ito sa Kitakyusyuu airport, then lumipad papunta ng Kansai Airport kung saan nakababa ang mga sakay nito, after na makulong sa loob ng plane ng mahigit 8 hours ang mga passenger.

Base sa information na inilabas ng Japan Ministry of Transport, ang Cebu Pacific plane ay umalis sa Manila arount 4PM kahapon May 19 at schedule nitong lumapag sa Fukuoka Airport around 7PM.

Subalit meron isang domestic flight ng Ibex Airlines na galing ng Sendai at schedule din na lalapag ng Fukuoka airport 20 minutes before 7PM. Ito ay nagkaroon ng technical problem kung saan di daw bumababa ang gulong automatically para maka-landing. Dahil dito, isinara pansamantala ng Fukuoka Airport ang runway around 6:42 to 6:49PM. Ang nasabing plane naman ay nagawang maibaba ang gulong manually at safe na naka-landing.

Dahil sa incident na ito, ang Cebu Pacific plane ay walang nagawa kundi mag-divert papunta ng Kita Kyushuu airport na meron layong 60km, at ito ay nag-landing ganap ng 7:20PM daw.

After mag re-suppy ng gasoline, susubukan sanang bumalik sa Fukuoka Airport ng Cebu Pacific plane, subalit hindi na daw ito aabot sa curfew time ng nasabing airport. Ang Kita Kyushuu airport naman ay walang sapat na ground handling staff para maibaba ang mga pasahero kung kayat hindi din sila maibaba.

Ang nasabing plane company ay nagkaroon na din ng incident last September 2023 kung saan hindi din ito nakalapag sa Fukuoka airport dahil hindi umabot sa oras at walang nagawa kundi bumalik ng Manila airport, kayat nakulong ng mahagit 11 hours ang mga pasahero sa loob ng plane.

Bilang consideration sa nangyaring case na ito, hindi na nila pinabalik sa Manila ang plane at pinalapag na lang ito sa Kansai Airport na 24 hours ang operation at meron sapat na staff.

Around 10:50PM, ang Cebu Pacific plane ay umalis ng Kita Kyushuu airport at ito ay safe naka-landing sa Kansai Airport ganap ng 11:40PM. Ligtas naman lahat ng passenger after na sila ay makulong sa loob ng plane ng mahigit 8 hours.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.