malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Underground tunnel, preventing flood in metropolitan area

Oct. 16, 2019 (Wed), 1,149 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Alam nyo ba na meron malaking facility dito sa Japan na isang underground tunnel na kung tawagin sa Japanese ay 地下神殿(CHIKA SHINDEN), na ang functionality ay temporarily na mag-imbak ng tubig, at sinasabing pinakamalaki sa buong mundo.

Ang facility na ito ay matatagpuan sa Saitama Kasukabe City, at nitong nagdaang malakas na bagyong Hagibis, malaki ang naitulong daw nito upang maiwasan ang pagbaha sa Tokyo metro. Naging trending muli ang facility na ito sa ngayon dahil maraming Japanese ang nagpapasalamat sa naitulong nito.

Ang underground tunnel na ito ay connected sa limang ilog sa metropolitan area. Meron lalim na 50m at habang 6.3km. Kayang mag-imbak ito ng tubig na aabot sa 670,000 tons. Unti-unti nitong iniipon ang tubig mula sa limang ilog at kanilang papadaluyin sa Edogawa river na hindi gaanong napupuno at umaapaw.

Nitong nagdaang bagyo noong October 12, nagsimulang pumasok ang tubig sa nasabing tunnel bandang tanghali, then naipon ang tubig dito at umabot sa lalim na 10meters. By 7PM ng gabi, kanilang pinadaloy ang naipong tubig sa Edogawa river, at ang napakawalan nilang tubig ay umaabot sa 9.2 times ng volume ng Tokyo Dome ayon sa news.

Ayon sa in-charge personnel ng facility, this year, limang beses na nilang nagamit ang facility na ito, at noong nakaraang bagyo, full operation ito dahil sa laki ng volume ng tubig mula sa bagyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.