Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Overstayer na nahuli, binibigyan ng kari-homen upang makalabas May. 02, 2020 (Sat), 895 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito from NHK, nagiging maluwang sa ngayon ang Japan Immigration Agency sa mga nakakulong sa mga detention center at ang ilan sa mga overstayer na kanilang nahuli ay binibigyan nila ng probational release.
Isinasagawa daw nila ito sa ngayon upang maiwasan ang maaaring paglaganap ng coronavirus sa loob ng detention center lalo na don sa mga center na crowded sa loob. Sa ngayon, wala pa namang nairi-report na nagkaroon ng nasabing virus.
Gumawa ng manual ang Japan Ministry of Justice at kanila itong pinadala sa 17 na immigration detention center nationwide here in Japan upang maging guidelines nila. Napapaloob sa guidelines ang pagbibigay ng kari-houmen sa mga natatanging tao upang mabawasan ang bilang sa loob.
Meron na kaming natanggap na private message mula sa isang kababayan natin na mapalad na nabigyan ng kari-houmen. Ayon sa kanya, nagulat daw sila ng biglang pinalabas sila kahit na di sila nag-apply ng kari-houmen. Nasa labas sila ngayon ng detention center na meron kasunduan na kailangang mag report sila sa immigration sa period na ibinigay sa kanila.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|