Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Vietnamese trainee na biktima ng pananakit, nagsagawa ng presscon Jan. 17, 2022 (Mon), 542 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Update news lamang po tungkol sa kumalat na video kung saan sinasaktan ang isang Vietnamese trainee ng kanyang mga Japanese co-workers na kumalat na at laman halos ng mga news media dito sa Japan.
Ayon sa update news na ito, nagsagawa ng presscon today January 17 sa Okayama City Hall, ang Vietnamese trainee na biktima ng pananakit mula sa kanyang mga Japanese co-workers, kasama ang labor union na kumupkop sa kanya.
Ilan sa mga natamo nitong pinsala ay pagkatanggal ng ngipin nito ng batuhin sya ng isang item sa mukha at kinailangang tahiin ang labi ng trainee. Nabali din ang ribs nito matapos na sya ay sipain sa dibdib ng mga co-workers nya ayon sa representative ng labor union.
Ilang beses din pumunta sa hospital ang trainee subalit binibilinan sya na sabihin sa hospital na sya ay na-accident sa jitensya na gamit nya.
Ayon sa trainee, bago sya pumunta dito sa Japan, ang alam nya ay very safe mag-work dito sa Japan kung kayat hindi sya makapaniwala sa nangyari sa kanya. Para sa kanyang family, nais pa rin nyang makapag work dito sa Japan at lumipat ng ibang company.
Ang lalaki ay nasa shelter sa ngayon ng Fukuyama Union Tampopo na isang labor union at ito ay hinahanapan nila ng malilipatang employer.
Hindi pa rin naglalabas ng comment ang kanyang dating employer tungkol sa case na ito dahil isinasagawa na nila ang settlement negotiation dito ayon sa lawyer nila.
Ayon sa labor union representative, kung hindi ma-meet ang demand nilang apology at compensation, maaaring magpasa sila ng HIGAI TODOKE (Police Report), or mag file ng legal case sa Japan Labor Law Standard Office.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|