Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy, pasado sa Nursing Examination, working in hospital now Sep. 06, 2019 (Fri), 1,561 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
This is an article tungkol sa isang kababayan nating nurse na nagtatrabaho na sa ngayon sa isang hospital matapos na makapasa sa Japan Nursing Licensure Examination. We only translate it para mabasa nyo ang kanyang story. For the original article written on Japanese, you can check it sa link sa baba. Medyo mahaba pero worth reading naman sya lalo na sa mga kababayan nating working on this field.
Meet カテリアル・ジェーデェー・アントニィ・アルメダさん(Sorry di ko alam ang tamang spelling ng name nya in alphabet. I just call him here JD), 30 years old, working in Kodama Hospital in Miyagi Prefecture Ishinomaki City Yamashita Town simula noong year 2015. Last year, mapalad syang nakapasa sa Nursing Examination na isinagawa dito sa Japan. Ang examination na ito ay sinasabing mahirap na maipasa kahit na ang mga Japanese examiners na kumukuha din nito.
Si JD ay nagkaroon ng interest na mag-aral sa medical field ng namatay ang kanyang kapatid na lalaki sa liver cancer noong sya ay 5 years old pa lamang. Matagumpay syang nakatapos ng 4 years course in nursing sa isang university sa Pinas at nagtrabaho sya bilang isang nurse sa isang general hospital.
Noong nasa ika-tatlong taon na nya sa trabaho, nagkaroon sya ng interest na mag-aral pa ng panibago at mataas na skill at upang matulungan nya ang 10 member ng family nya, nagka-interest syang magtrabaho sa Japan, at nag apply sya sa EPA under the POEA management.
Ang Kodama Hospital na pinagtatrabahuan nya sa ngayon ay kumukuha ng mga medical workers under EPA simula pa noong year 2015 dahil sa kakulangan nila ng manpower. Upang maturuan nila ng sapat na skill ang mga foreigner workers nila, minabuti nilang agahan ang pagkuha ng mga medical workers.
Si JD ay mapalad na nakapasok sa Kodama Hospital, then nag-aral muna sya ng 1 year Japanese language then work as an assistance nurse. Ang pagkakaroon nya ng sapat na oras upang makapag aral at review sa kukunin nyang national examination ay naging malaking tulong para sa kanya.
At first, ang pag-aaral nya ng Japanese language ay naging mahirap dahil nag-umpisa sya sa daily conversation level, then working at the same time na talagang mabigat sa katawan at emotionally stressful din. Moreover, ang Japanese language na lumalabas sa examination is more on technical terms, kaya para sa isang foreigner na tulad nya, napakahirap lalong intindihin ang mga ito, kaya ang hardle ng examination is much more higher compare sa mga Japanese na kumukuha nito.
Sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at maging ang mga pasyenteng tinitingnan nya, unti-unting natuto si JD. Nag-aaral din sya sa ibang facility ng Japanese language and he is doing self-study also. Ang tantousya nya na tumitingin sa kanya ay naging malaking tulong din sa kanya. At first, nag-alala rin sila dahil first time nilang meron mahawakang ibang tao or foreigner, kung kayat di nila alam ang tamang dapat gawin. Pero ang pinakitang willingness at effort na matuto ni JD ang naging malaking tulong din sa kanila na matulungan sya.
Simula noong year 2015, every year kumukuha ng examination si JD, subalit bagsak sya lagi, Then noong year 2017 which is his last chance para maipasa ang examination, 1 POINT na lang ang kinulang para maipasa nya ito kung kayat naiyak sya sa panghihinayang. Subalit dahil sa meron syang license bilang isang Assistance Nurse, nagawang ma-extend ang kanyang visa at hindi napauwi. Then, sa 4th times na try nya ng examination, mapalad na naipasa nya ito.
Ayon sa head ng hospital, maganda ang character at attitude ni JD at nagtatrabaho sya na ka-level ng mga Japanese staff, at nagiging magandang sample sya sa mga ibang staff din. Meron pang dalawang Pinoy staff na nagtatrabaho sa Kodama Hospital, and this year, meron pa silang plan na kumuha ng medical workers pati na rin galing sa Vietnam na trainee. Inaasahan ng head ng hospital na si JD ang mag-turo at mag-guide sa mga bagong kouhai nya na darating.
Sa bagong achievement na nakamit ni JD sa ngayon, nagpapasalamat sya sa lahat ng mga sumuporta sa kanya dahil ang lahat ng ito ay dahil sa pinakita nilang kabutihan sa kanya. Nakalaya na sya sa ngayon sa sunog-kilay na pag-aaral at medyo nagkaroon na sya ng time sa ibang bagay na gusto nyang gawin. NEVER GIVEUP ang kanyang naging motto. Para lalong mapaganda ang kanyang communication sa work nya, nais nyang mapabuti pa ang kanyang Japanese communication skill, at maging mabuting isang nurse.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|