malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Vietnamese trainee na sinasaktan for 2 years, nag-file ng legal charge

Jan. 16, 2022 (Sun), 549 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Sa mga kababayan natin working here in Japan lalo na ang mga trainee, read this news at maaaring malaki ang relation nito sa inyo.

Ayon sa news na ito, isang Vietnamese trainee na lalaki, working in construction company in Okayama City, ang nag-file ng legal charge laban sa kanyang employer matapos syang saktan ng kanyang mga Japanese co-workers for 2 years.

Simula noong year 2019 autumn season, ang lalaki ay paulit-ulit na sinaktan ng mga ito.

Ang trainee ay lumapit at nag-consult sa kanri dantai na syang nagko-control sa mga trainee thru translator upang matigil ang pananakit sa kanya subalit walang nangyari.

Ayon sa trainee, parang hindi tao ang treatment sa kanya. Araw-araw sa tuwing sya ay papasok, nananalangin na lamang syang hindi sya saktan at maging peaceful ang pagta-trabaho nya.

Ang trainee ay nakapasok dito sa Japan noong October 2019 at nakapag trabaho sa isang construction company na meron 10 employee sa Okayama City sa tulong ng kanri dantai. Dahil sa hindi pa sya marunong mag Nihongo, hindi nya naiintindihan ang mga inuutos sa kanya at maaaring naging mainitin ang ulo ng mga co-workers nya na humantong sa pananakit sa kanya. Sa umpisa ay parang pinabatok-batokan pa lang sya subalit nag-escalate ito.

Ang lalaki ay nagtatrabaho sa isang factory sa Vietnam subalit dahil sa liit ng sweldo nag-decide syang pumunta dito sa Japan. Sa tulong ng mga agency at pagbayad ng malaking amount na umaabot sa more than 100 lapad na inutang nya, nakapasok sya ng Japan bilang trainee.

Sa takot nyang hindi makapagbayad ng utang kapag huminto sya sa work, at wala syang maipadala sa kanyang family, at baka gantihan sya kung mag-report sya sa labas, wala sya magawa kundi ang magtiis na lamang.
Subalit noong June 2021, nakapag decide ito na mag-consult sa tulong ng Vietnamese translator ng kanri dantai. Ayon sa history ng kanilang conversation sa Facebook, nakipag-usap ang kanri dantai sa company at sinabi ng company na pagsasabihan nila ang mga co-workers nito subalit hindi pa rin nahinto ang pananakit sa kanya.

Then, noong October 2021, sa tulong ng kanyang kababayan na nakilala nya sa Facebook, nag-consult sila sa isang labor union sa Fukuyama City (Fukuyama Union Tampopo), at nagawang makupkop nila ang trainee at nasa shelter na nila ito.

Nagawa ding makunan ng footage ng isang trainee na kasama nya sa work, ang pananakit na ginawa sa kanya ng mga co-workers nito na syang nagiging evidence. Sa tulong ng labor union, nag-file sila ng legal charge laban sa employer nito at kanri dantai asking for apology and compensation.

Sa mga kababayan nating trainee dito sa Japan, be aware na very important po ang pagsali sa mga labor union. As possible, maging member po kayo nito dahil sila ang makakatulong sa inyo sa mga ganitong cases po at pag kayo ay mapunta sa mga abusadong employer at co-workers. Marami din akong natatanggap na inquiry dito sa Malago Facebook page na ayaw nilang maging member o dumaan sa kumiai dahil sa nanghihinayang sila sa binabayad nila dito. Pero kapag sa inyo nangyari ang mga ganitong cases, magiging kayo din po ang kawawa.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.