malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Pinay, panalo sa SHIBUYA109 Staff Service Contest

Sep. 07, 2019 (Sat), 1,502 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Meet パニラガオ パオリン (I call her here as Paolin), age 20 years old, pinanganak at lumaki dito sa Japan, at isang service staff ng EMODA inside SHIBUYA109 na makikita nyo sa famous na Shibuya crossing. Isa syang staff for 7 months only sa nasabing store at sya ang nanalo sa ginawang contest kung saan 85 katao ang sumali.

Ang contest ay ginawa noong September 5 at ito ay isang Role Playing contest ng mga shop staff sa nasabing sikat na store. Ang mga staff na kasali ay mga nagtatrabaho lamang sa apat na facility nila at ito ay ang 109 & MAGNET by SHIBUYA109, SHIBUYA109ABENO at SHIBUYA109KAGOSHIMA. 85 katao ang total na sumali at 27 lamang ang pumasok na finalist.

Ayon sa mga organizer, ginawa nila ang contest na ito upang mapataas ang quality ng work ng service staff, at magkaroon sila ng motivation na pagbutihin ang kanilang trabaho.

Ayon kay Paolin, nakita nya ang poster about sa nasabing contest, then nag-consult sya sa tenchou na gusto nyang sumali dito. Wish lang nyang makapasok sa top 3 or 2 at nawalan na sya ng pag-asa ng di natawag ang kanyang name, subalit nagulat sya ng ang name nya ang tinawag bilang winner ng nasabing contest.

Ayon sa General Manager ng SHIBUYA109, ang pinakitang customer service skill ng mga contestant sa nasabing contest ay mataas na, kung paano nila maipapakita ang appeal point ng 109 mismo ang naging malaking points sa pag-decide nila ng winner.

Ang pinakita ni Paolin na customer service level at maging ang kanyang communication level ay parehong mataas. subalit hindi lamang sya nag-focus sa pag promote ng kanilang store kung saan sya nagtatrabaho, kundi nag-recommend pa sya sa customer ng ilang magagandang store na nasa loob ng 109. Ito ay isang importanteng bagay dahil naging malaking appeal point ito ng 109 na magiging susi upang muling bumalik ang customer at mag-shopping again ayon sa nasabing General Manager.

Ayon kay Paolin, during the contest, nais lang din nya ipakita kung ano ang common na ginagawa nya sa store kapag meron syang customer na kinakausap at nagri-recommend ng mga products. Nagpapasalamat sya at nagawa nya ito ng tama at nabigyan ng mataas na rating ng mga judge sa contest kung kayat nanalo sya.

Sa mga kababayan natin na namimili sa Shibuya, you can visit their store EMODA inside SHIBUYA109 building, 3rd floor. Maaaring makita nyo si Paolin sa loob nito. Maybe you can ask her about the latest fashion trend in Shibuya.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.