malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Munting paalala para sa mga followers ng Malago Forum

Apr. 02, 2020 (Thu), 1,227 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Para sa kaalaman ng lahat tungkol sa mga advisory, memorandum, mga bagong batas, ordinance, atbp. na nilalabas ng Japanese government, at the time na sasabihin nila ito sa public, usually hindi nila ibinibigay ang detalye nito at the time they released it. Lalong lalo na kung ang nagbigay ng announcement ay leader nila or ang Prime Minister.

I think hindi lamang dito sa Japan, kahit sa ibang bansa ay ganun din kadalasan ang sistema. Walang time na sabihin ang lahat ng detalye ng leader, at pinauubaya nila sa department or ministry na meron jurisdiction ang pagbibigay ng detalye sa publiko tungkol sa inilabas na bagong batas or odinance, na maaaring ilabas nila sa mga susunod na araw, linggo o buwan. So, paganahin po natin ang ating common sense tungkol dito.

Sa case ng TRAVEL BAN news na aming inilabas kahapon April 1 ng gabi, we post this news bilang isang AWARENESS sa mga followers namin dito matapos na maglabasan ang mga news, na naglabas ng pahayag ang Prime Minister ng Japan na magdadagdag sila ng bansa na hindi nila papahintulutan ang pagpasok dito sa Japan simula APRIL 3, at included ang Philippines.

We translate ang mga naglabasang news, fresh from the oven, after reading multiple sources and post it here para maging AWARE ang mga followers namin dito about sa bagong advisory. Take note na kalalabas pa lang ng pahayag mula sa Prime Minister, so kung pagaganahin ninyo ang common sense din ninyo, wala pang exact details at that time, maliban don sa iilang inilabas na pahayag ng Prime Minister na lumabas sa news at aming na-translate and posted here in Malago.

Then comes today April 2 morning, may mga detalye na lumabas na mula sa ibat-ibang source, at maging sa Ministry of Foreign Affairs at Immigration Agency Office na meron jurisdiction tungkol sa Travel Ban. Para makasiguro kami sa contents na nilabas nila, we tried to call the Immigration Office, ask some important questions, translate again all their answer, and post today the details about it para sa kaalaman ng lahat.

So kung meron again kayong common sense, its only natural na magiging iba ang contents ng una naming post bilang AWARENESS at summary ng advisory, at ang post namin today na DETAILS mismo ng Travel Ban na kalalabas pa lang din mula sa kinauukulan.

We post the news noong APRIL 1 ng gabi na walang ibang motibo para mabigyan ng paunang information ang mga followers po namin dito sa Malago tungkol sa bagong inilabas na advisory tungkol sa Travel Ban, at hindi para makakuha ng maraming LIKES at FOLLOWERS dito sa Facebook.

So if you don't want to be INFORM and UPDATE tungkol sa mga nangyayari dito sa Japan, lalo na sa mga nagkakaron daw ng stress, natatawa sa mga post namin dito, naiirita, at ibang negative feeling na natatamo nila, we recommend to please don't LIKE this page, UNFOLLOW us, at para makasigurado kayo na di nyo na makikita ang mga info na aming nilalagay dito, give us your FB user name and we will be glad to BAN you here. That way you will have a peaceful SNS life. We only just want to serve here yong mga nakakintindi at gusto ng mga services or info na binibigay namin.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.