Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Gumagamit ng fake Residence Card (RC) na nahuhuli, dumarami ang bilang Aug. 20, 2015 (Thu), 3,057 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, dumarami now ang bilang ng mga foreigner na nahuhuli na gumagamit ng pekeng Residence Card. Almost 3 years na now ang nakalipas mula ng ipairal ng Immigration ang bagong system ng RC. Last year 2014 lamang, merong 122 katao ang nahuli na almost doble sa bilang noong year 2013 at para sa year 2015 naman, mataas na rin ang bilang.
Ayon sa data, ang kadalasang nahuhulihan nila nito ay mga trainee na pumasok dito sa Japan. Mga tumatakas mula sa kanilang training area at para makapag-trabaho ng tuloy tuloy dito sa Japan, bumibili sila ng pekeng RC at ito ang pinapakita nila para makahanap ng work at bahay na uupahan.
Noong nakaraang buwan ng Mayo, meron anim na trainee na nahuli sa Gifu prefecture at parehong gumagamit ng pekeng RC. Ang apat sa kanila ay Chinese at 2 naman ay Indonesian. Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang RC na hawak nila ay nakuha mula sa China at na-order nila lamang ito sa internet. Kung maorder mo ito na set na kasama ang passport, nagkakahalaga lamang daw ito ng 5 lapad. Mga 2 weeks lang ipapadala na via EMS ang pekeng RC card sa address nila dito sa Japan.
Ayon naman sa mga company employer at mga real state company, hindi nila malalaman kung fake ba o hindi ang RC na pinapakita sa kanila kung kayat nabibigyan din nila ito ng service or tinatanggap sa trabaho lalo na kung ang RC nila ay RC ng mga Permanent Visa holder kung saan nakalagay na walang limitation sa trabaho. Ang makaka-alam lang kung fake o hindi ito ay kung ang titingin ay mga pulis o immigration personnel.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|