malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan

Apr. 06, 2020 (Mon), 974 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last week (March 30 to April 5) related sa coronavirus crisis, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.

(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 4,570 katao as of April 5. Umabot na sa 3,858 katao ang infected sa land area ng Japan, the rest ay mula sa Diamond Princess cruise ship. 104 katao na rin ang naitalang namatay, 1,133 katao naman ang gumaling na at nakalabas ng hospital as of April 3. In general, patuloy pa ring naglalabasan araw-araw ang mga bagong infected sa nasabing virus at walang humpay ito last week. In Tokyo, umabot na sa more than 1,000 katao ang infected

(2) SCHOOL CLOSURE: Dahil sa patuloy na pag-taas ng mga infected sa virus, meron mga prefecture and local municipality ang hindi magbubukas ng class at ipagpapaliban ito. Sa Tokyo area, napag-alaman na hanggang Golden Week magsasara ang mga school. Para sa inyong mga lugar, check nyo sa local municipality ninyo kung ano ang magiging decision nila tungkol dito.

(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Naglabas na ng pahayag ang Japanese government na magbibigay sila ng 30 LAPAD sa bawat family subalit hindi para sa kalahatan ito. Maaring ilabas nila ang final decision nila tungkol dito ngayong week na ito. Isa pa sa maaaring ma-aprobahan ay ang dagdag na 1 LAPAD para sa mga bata na maaaring ibigay nila sa June kung saan papasok ang pera para sa Jidou Teate. Ang government ay naglabas na rin ng mga financial program para sa mga small and medium scale company. Nagpapautang sila ng pera sa ngayon na walang tubo.

(4) MASK SUPPLY: Naglabas ng pahayag ang Prime Minister na magbibigay sila ng 2 MASK bawat family at gagamitin nila ang Japan Post Office system upang mai-deliver ito sa lahat ng address dito sa Japan. Nananatili pa ring kulang ang supply ng mask dito sa Japan nationwide at isang malaking problem pa rin ng government. Although meron na ring mga local company na naglalabasang gumawa ng mask sa ngayon. Maaaring unti-unti itong mabibigyan ng solution ayon sa mga news.

(5) TRAVEL BAN/QUARANTINE: Inumpisahan na noong APRIL 3 ang TRAVEL BAN dito sa Japan para sa mga Pinoy. Subalit hindi nito sakop ang lahat at meron exemption. Sa mga umalis ng Japan before April 2, at nasa Pinas sa ngayon at meron hawak na Permanent Visa, Japanese Spouse/Child Visa, Permanent Spouse/Child Visa at Long Term Residence Visa lamang ang pwede makapasok. Subalit kahit na ganito ang visa nyo at umalis kayo ng Japan after APRIL 3, maaaring di na kayo makapasok ayon sa Japanese Embassy sa Pinas. Mag-iingat at maging aware sa mga pagbabago at lumalabas na advisory mula sa Japan Immigration Service Agency.

(6) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Dahil sa pakiusap na rin ng mga governor sa kanilang mga nasasakupan, marami pa ring public facilities ang sarado. Dumagdag dito ang mga malls at ilang store and restaurant lalo na sa mga maraming infected sa coronavirus na lugar.

(7) LOCKDOWN/STATE OF EMERGENCY: As of this time of posting, walang lockdown saan mang lugar dito sa Japan at di pa rin naglalabas ng official na pahayag ang Japan Prime Minister about state emergency. Subalit merong mga news na naglalabasan sa ngayon na naghahanda na ang mga official at maaring ilabas ito ng Prime Minister bukas April 7. Ang pagtaas ng bilang ng mga untraceable na patient daw ang maaaring magtulak sa government para mag-declare nito.

(8) CORONAVIRUS MEDICATION: As of now, wala pa ring natutuklasang mabisang gamot at vaccine ang Japan government laban sa coronavirus. Ang AVIGAN na under clinical testing pa rin sa ngayon ay ibibigay ng Japanese government sa more than 30 countries na nag-request nito for clinical test. Nais rin makipag-cooperate ng Japan upang mapabilis ang clinical test at maaaprobahan ito sa lalong madaling panahon. Lumabas din sa mga balita na mag-produce pa ng marami nito ang government bilang paghahanada.

(9) PREPARATION FOR POSSIBLE IMPACT: Lumabas sa mga news na patuloy ang paghahanda ng government sa maaaring biglaang taas ng mga bilang ng pasyente dito sa Japan. Patuloy silang nag-request ng productions ng artificial respirator, ventilators at ilan pang mga medical equipments. Then, upang hindi mag-colpase ang kanilang medical system, ang mga pasyente in light condition ay napagkasunduan nilang ilipat sa mga hotel o bahay kung saan maaaring magpagaling.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.