Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Spouse salary limit, to change from 103 to 130 or 150 lapad Nov. 16, 2016 (Wed), 4,482 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga mambabatas ng present Japan government kung ano ang magandang gawing pagbabago sa 103 lapad na limit na annual salary ng spouse for tax deduction ng kanilang asawa.
Sa ngayon meron silang dalawang option na pinagpipilian and they call it PLAN A and PLAN B. Sa PLAN A, plano nilang itaas ang limit sa 130 lapad, subalit meron limit sa annual salary ng kanilang mister at ito ay nasa 1,320 lapad. Meaning, maa-avail lamang nila ang tax deduction ng kanilang spouse kung ang annual salary ng kanilang mister ay hindi lalagpas sa 1,320 lapad.
Then sa PLAN B naman, itataas nila ang limit sa 150 lapad subalit meron ding limit sa annual salary ng kanilang mister at ito ay nasa 1,120 lapad naman.
Sa present law, ang limit ng spouse salary ay nasa 103 lapad lamang at wala namang limit sa annual salary ng kanilang mister. Meaning kahit magkano pa ang kitain yearly ng kanilang mister, pwedeng ma-avail ninoman ang benefit na ito. Subalit maraming nagsasabi na nagiging balakid ito sa mga nagnanais na gustong mag trabaho at kumita ng malaki.
Di pa rin alam ng mga mambabatas kung ano talaga ang magandang gawing pagbabago at patuloy pa rin nilang pag-aaralan ito ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|