malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Cebu Pacific passenger, nakulong ng 11 hrs sa loob ng plane

Sep. 06, 2023 (Wed), 454 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa news na ito, base sa inilabas na pahayag ng Japan Ministry of Transportation, isang eroplano ng Cebu Pacific na meron sakay na 125 passenger, na nag-travel papunta ng Fukuoka Airport ay hindi nakalapag for some reason at ito ay bumalik ng Manila.

Nangyari ang incident noong September 4. Ang eroplano ay umalis ng Manila bandang 4:30PM at schedule na darating ng Fukuoka airport bandang 8PM, subalit nag-contact ang pilot nito na hindi sya maka-landing for some reason at muli itong tumaas ng lipad at nag go-around (In aviation, a go-around is an aborted landing of an aircraft that is on final approach or has already touched down).

Dahil sa naging crowded ang runway at umabot sa limit time na 10PM ng Fukuoka Airport, lumapag sa Kitakyushu airport ang eroplano sa alalang mauubusan ito ng gasolina.

Safe itong nakalapag sa domestic airport ng Kitakyushu city subalit dahil sa walang immigration processing sa airport, nanatili sa loob ng eroplano ang mga pasahero. Then noong sumunod na araw September 5 ng madaling araw, hindi na din ito pumunta ng Fukuoka airport para makalanding at bumalik ng Manila sakay pa din ang lahat ng pasahero.

After more than 3 hours, safe itong nakabalik ng Manila sakay ang lahat ng pasahero na nakulong sa loob ng eroplano ng mahigit 11 hours.

FYI lamang, ang Fukuoka airport ay nag-ooperate ng 7AM to 10PM lamang. After 10PM, hindi na sila tumatanggap ng anomang arriving plane. Ang reason daw dito ay dahil sa NOISE ng plane na niri-reklamo ng mga mamamayan na nasa paligid nito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.