malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


20 lapad na cash distribution, to be finalized

Apr. 03, 2020 (Fri), 1,069 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Sa mga kababayan natin dito sa Japan, please be AWARE na meron ng lumabas na latest news update tungkol sa cash distribution na isasagawa ng present Japan government dahil sa epekto ng coronavirus sa economy nila.

Pero bago ang lahat, paalala lamang lalo na don sa mga walang common sense, na ito ay hindi pa final, wala pang details, at isa lamang UPDATE NEWS that we translate, para maging aware po ang mga followers namin dito sa Malago.

Ang mga naglalabasan na mga info tungkol dito sa ngayon ay ang mga sumudunod:

(1) Ang amount na maaaring maibigay ay 20 LAPAD.

(2) Ang amount na ito ay hindi ibibigay sa lahat ng mamamayan at maaaring limited lamang sa mga FAMILY na walang kinita o kumunti ang income dahil sa epekto ng coronavirus.

(3) Ang application nito ay maaaring gawing SELF-ASSESSMENT SYSTEM.

(4) Ang ibibigay na cash amount ay maaaring NON-TAXABLE

(5) Maaaring kailanganin ang proof at mga documents na nagpapatunay na bumaba ang kita or income sa pag-apply nito.

(6) Maaaring magkaroon din ng penalty silang ilabas para sa mga taong magsisinungaling sa pag-apply nito upang makakuha ng pera.

(7) Ang detalye sa magiging final decision nila dito ay maaari nilang ilabas daw next week.

Paalala muli na hindi pa ito FINAL at kanila pa itong pinag-aaralan sa ngayon. So kung anoman ang itatanong nyo dito ay wala rin kaming maisasagot sa inyo maliban sa mga info na naisulat sa taas. So basahin at intindihin munang mabuti, then paganahin natin ang ating mga common sense.

Pwede kayong mag confirm sa mga related government office next week kapag lumabas na ang detalye tungkol dito. Amin din pong ilalagay dito sa Malago ang details tungkol dito translated in Tagalog kapag inilabas nila next week.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.