malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Examination for Skill Visa in Food Industry, isasagawa sa Pinas

Jul. 28, 2019 (Sun), 1,029 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa information and schedule na inilabas ng OTAFF (Organization For Technical Skill Assessment of Foreign Workers in Food Industry) of Japan, magsasagawa sila ng first examination for Skill Visa in Food Industry outside Japan at ito ay gagawin nila sa Pinas sa darating na November this year. Para sa detalye ng examination at venue, ilalabas nila ito sa susunod na mga buwan.

Para naman sa examination na gaganapin nila here in Japan, inilabas din nila ang schedule tungkol dito. Para sa 3rd Skill Examination For Food Industry, gagawin nila ito sa September sa Kanazawa, Takamatsu at Naha City. Ang tanggapan ng application ay mag start sa JULY 30 until AUGUST 6 lamang.

Para sa mga kababayan natin dito sa Japan at malapit sa lugar na nabanggit at nais nyong magtake ng examination, click nyo ang link sa baba para sa detalye ng examination (written in Japanese only). Nariyan po ang buong detalye about sa examination. Mga 300 to 400 applicants ang tatanggapin nila dito.

https://otaff.or.jp/wp-content/uploads/2019/07/2019exam-info3-2.pdf

Para naman sa 4th Skill Examination For Food Industry, ito ay gaganapin sa November 2019 at ang lugar ay sa Niigata, Saitama, Tokyo, Nagoya, Kobe, Hiroshima at Kumamoto. Mga 3,000 applicants ang plan nilang tanggapin dito.

Then sa 5th Skill Examination For Food Industry naman, plan nilang gawin ito sa February 2020, at ang lugar ay sa Sapporo, Sendai, Tokyo, Yokohama, Nagoya, Osaka, Hiroshima at Fukuoka. Nasa 3,000 applicants din ang plano nilang tanggapin dito.

Para sa detalye ng mga darating na examination, ilalabas muli nila ito sa kanilang website.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.