Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy family, nabigyan ng parangal sa pag-prevent ng sunog Jan. 24, 2022 (Mon), 566 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Aichi Toyohashi City. Ayon sa news na ito from NHK, nabigyan ng parangal ng Toyohashi Fire Department ang isang buong family na kababayan natin, matapos na makatulong ang buong family nila sa pag-prevent ng kaji (sunog) at maaaing casualties na idinulot nito.
Ang nabigyan ng parangal ay ang family ni Mr. Jayson Yambao, asawa nito at apat na anak na nakatulong sa nangyaring sunog noong January 5 ganap ng 1:30AM sa isang danchi kung saan sila nakatira.
Nakita ni mister ang sunog na nagmumula sa isang room ng sya ay umuwi at that time at agad nyang inutusan ang family nya na tumawag ng bombero. Then kinuha nya agad ang syoukaki (fire extenguisher) na nakita nya at pumunta agad sa nasusunog na room.
Along the way, kinatok din nya ang mga room na nadaanan nya upang malaman nilang meron sunog at lumikas agad. Hindi lamang ito, alam din nyang merong matandang mag-asawang naninirahan sa taas ng room kung saan nagmula ang sunog kung kayat pinuntahan nya ito at pinasan ang lalaking asawang disable upang ma-rescue.
Nagawang masugpo agad ang sunog at walang nai-report na nagtamo ng injury sa incident na nangyaring ito. Ayon sa head ng Toyohashi Fire Department, ang pagkakita ng sunog at pag-report nito agad, pati na rin ang pag-rescue na ginawa ng family ay isang malaking tulong sa kanila.
Ayon naman kay mister, nahihiya syang makatanggap ng ganitong klaseng parangal.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|