Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
MyNumber as Health Insurance Card, to start December 2 Dec. 01, 2024 (Sun), 53 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Sa mga kababayan natin dito sa Japan, tapos nyo na bang mai-set ang MyNumber Card (MNC) ninyo para maging Health Insurance Card (HIC) nyo din?
By the way, ang formal na unification ng nasabing dalawang card at paggamit nito ay magsisimula bukas December 2. Pero wag mag-alala, dahil yong luma nyong Health Insurance Card (Kenkou Hoken Ka-do) ay magagamit nyo pa din hanggang valid pa ito.
Be aware lang na hindi na sila mag-iissue ng panibagong Health Insurance Card kung sakaling mawala nyo ito or mag-request kayo simula bukas December 2. Hwag nyo din pala itatapon ang lumang HIC ninyo at baka may paggamitan pa kayo nyan later on.
Now, para naman maging HIC ang MyNumber Card ninyo, of course dapat na meron muna kayong MyNumber Card. Para sa mga wala pa, need nyo mag-apply sa inyong mga local municipality.
Kung meron na kayong MyNumber Card at nais nyong maging HIC nyo din sya, meron tatlong ways.
(1) Registration at Card Reader sa mga Hospital
Una nyo pwedeng gawin ay register nyo ang MNC sa mga card reader na makikita nyo sa mga medical institution tulad sa hospital. Ilagay nyo lang ang MNC nyo sa mga reader device na ito, then click nyo lang ang TOUROKU (REGISTER) sa screen.
(2) Registration at MyNumber Portal
Next method ay gamit ang MyNumber Portal appli na maaari nyong ma-install sa mga smartphone ninyo. Install ninyo, then login then follow the guide para po ninyo mai-register ang inyong MNC as HIC ninyo.
(3) Registration at Seven Bank ATM
The third method na pwede nyo gawin ay registration sa mga Seven Bank ATM. Need po ang 4 DIGIT passcode ng inyong MNC para magawa nyo po ito. Just follow also the procedure na lumalabas sa ATM para ma-complete nyo ang registration.
For more details, try nyo mag search sa google po at marami po kayong makikitang information. Share this inforrmation sa mga kakilala nyo dito sa Japan.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|