malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


10 lapad sa 3 anak for child care benefit, pinanukalang isabatas

Feb. 26, 2020 (Wed), 979 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Ayon sa news na ito, nagiging mainit na debate sa ngayon kung ano ang mabuting gawing paraan upang tumaas ang birth rate dito sa Japan dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang population, at isa sa mga inilabas na panukala ay ang itaas ang jidou teate (child care benefit) na natatanggap ng mga parents sa ngayon.

Ang naglabas ng panukalang ito ay ang Secretary mismo na in-charge sa pag-solve ng declining birthrate dito sa Japan. Ang pinanukala nya ay baguhin ang child care benefit na natatanggap sa ngayon at gawing 1 lapad para sa unang anak, 3 lapad sa pangalawa, at 6 na lapad naman sa pangatlong anak. It means na kapag meron kang 3 anak, meron matatanggap ang parents na 10 lapad kada buwan bilang assistance ng government sa pagpapalaki ng mga bata.

Pinanukala nyang gawin ito dahil sa marami sa ngayon daw ang meron isa o dalawa lamang ang anak at nagnanais pang mag-silang ng baby subalit hindi nila tinutuloy dahil sa financial problem na kanilang haharapin kapag naging more than 2 na ang kanilang batang magiging responsibility nila.

Ayon sa ibang mambabatas, maganda ang panukalang ito, subalit ng sya ay tanungin kung saan sya kukuha ng fund para dito, hindi rin nya masagot kung saan dahil ito ang malaking magiging problem para maisakatuparan ito. It means kasi na kakailanganin ang higit pa sa dobleng pondo na nilalaaan sa ngayon ng government para sa child care assitance upang maisagawa ito.

Ang ibang mambabatas naman ay nagsasabi na hindi lamang ito ang problema. Marami din kasi sa ngayon ang ayaw magsipag-asawa at tumatanda na lamang. Sa ngayon ang mga Japanese na lalaki na age above 50 years old, isa sa bawat apat sa kanila ay hindi kasal, at sa mga babae naman ay isa sa bawat pito sa kanila. Kailangang itaas din ang data na ito upang makatulong sa magiging solution ng pagtaas ng population dito sa Japan ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.