Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Japanese man, natagpuang patay at binalatan ang mukha Nov. 14, 2015 (Sat), 6,273 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Tokyo Fussa City. Ayon sa news na ito from Sankei Shimbun, isang Japanese man, 38 years old ang natagpuang patay sa loob ng mansion na kanyang tinitirahan ng kanyang ampon na anak na agad naman tumawag ng mga pulis.
Nakatanggap ng tawag ang mga pulis noong November 12 ganap ng 05:30PM sa ampon na anak nito at agad silang pumunta sa bahay. Dito nila nakita ang nakataob na bangkay ng lalaki na tumutulo ang dugo sa mukha. Ang katawan nito ay nakabalot sa futon at ang mukha naman ay binalot sa isang plastic bag na kulay blue. Nang kanilang tanggalin ang balot sa mukha, nakita nilang wala itong balat at matindi ang mga sugat na inabot nito.
Isinagawa nila ang autopsy kahapon November 13 subalit hindi rin nalaman ng mga pulis kung ano ang ikinamatay nito. Lumabas lamang sa result na wala itong pinsala sa ibang parte ng katawan maliban lamang sa mukha.
Hindi rin matagpuan ng mga pulis kung nasaan ang patalim na ginamit sa pagbalat ng mukha at pati na rin ang balat nito. Wala rin bakas sa loob ng room na nagpang-abot ang biktima at suspect ayon sa result ng investigation.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|