Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy, huli sa robbery murder charge, and possible arson May. 03, 2022 (Tue), 685 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Gunma Midori City. Ayon sa news na ito, hinuli kahapon May 2, ng mga pulis ang isa nating kababayang lalaki, age 38 years old, arubaito, matapos na maging primary suspect sya sa pagpatay sa isang matandang lalaki, age 73 years old.
Nangyari ang incident na ito noong March 30 ng gabi kung saan nasunog ang bahay ng matandang biktima bandang 7:45PM. Nakatanggap ng tawag ang mga bombero mula sa kapitbahay nito at agad silang rumesponde. Nakita nila ang matandang lalaki na nakahandusay at walang ulirat sa first floor ng bahay nya. Isinugod sa hospital subalit di na umabot at namatay.
Matapos na gawin ang autopsy sa katawan nito, nakitang maraming tinamong pasa sa mukha, ulo, likod at tyan ang biktima na syang ikinamatay nito. Nalaman din ng mga pulis na nawawala ang pera ng matanda na naninirahang mag-isa, kung kayat nagbuo sila ng team noong April 2 para mag-investigate sa case na ito.
Siniyasat ng mga pulis kung sino ang maykagagawan nito sa kanya mula sa pag-investigate sa mga taong naging kakilala ng matanda nitong mga nagdaang buwan at dito nalaman ng mga pulis ang relation ng kababayan natin sa matandang biktima.
Lumabas sa investigation ng mga pulis na ang kababayan natin at matanda ay nagkakilala simula noong June last year. Sya ay nakapasok sa Japan noong year September 2019 holding a short stay visa. Nahuli na rin sya on the spot ng Kiryu Police noong April 8, 2022 sa charge na overstaying dito sa Japan. Then on April 19, kinasuhan sya sa robbery and murder charge. Sinisiyasat din sa ngayon ng mga pulis kung sya ang nagsunog sa bahay ng matanda.
Dahil sa hindi pa tapos ang investigation, di pa rin sinasabi ng mga pulis kung umaamin ang kababayan natin sa charge laban sa kanya.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|