malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


5 matatanda, patay sa saksak ng isang Japanese man

Mar. 09, 2015 (Mon), 1,285 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Hyougo Prefecture Sumoto City. 5 ang patay sa incident na naganap today March 9 ganap ng 07:15 ng umaga sa Hyougo prefecture. Nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa isang babae, 32 years old na meron nasaksak sa lugar nya. Agad na pumunta ang mga pulis sa lugar at nakita nila ang bangkay ng 2 babae sa loob ng bahay at isang lalaki naman sa labas. Ang 2 babae ay meron edad na 60 at 80 years old, samantalang ang lalaki naman ay nasa 60 years old.

After that, natagpuan din ng mga pulis ang 2 pang bangkay sa isang bahay na meron layong 100 meter lamang na pareho ring matatanda na nasa 80 years old, isang babae at isang lalaki. Sinisiyasat ngayon ng mga pulis kung ano ang relation ng dalawang incident na ito.

Hinuli naman ng mga pulis ang isang lalaki na nakatayo sa kalsada malapit sa lugar na pinangyarian ng krimen na meron dugo sa kanyang damit at inamin na sya ang pumatay sa mga ito. Ang lalaking ito ay 40 years old, at walang trabaho.

Ayon sa isang kapitabahay nila, ang suspect na lalaking ito ay naninirahan na kasama ang kanyang tatay at lola lamang. Mula ng ito ay mag-graduate ng Junior High School, ito ay nasa bahay lamang at hindi halos lumalabas at laging nasa internet. Mula January of this year, lagi syang nagpo-post sa internet ng mga tsismis tungkol sa kanyang kapitbahay.

Sinisiyasat pa rin ng mga pulis kung ano ang motibo ng lalaking ito sa pagpatay dahil hindi ito nagsasalita at magsasalita lamang sya pagdating ng kanyang attorney ayon sa salaysay nito.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.