malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


UPDATE: Coronavirus present status and its impact in Japan

May. 25, 2020 (Mon), 974 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Para sa karagdagang kaalaman ng mga kababayan natin dito sa Japan, kung ano-ano ang mga nangyari last week (May 18 to May 24) related sa coronavirus crisis, mga bagong batas at guidelines na inilabas ng Japan government, this is the summary.

(1) STATISTICS: First, para sa statistics ng mga infected sa coronavirus here in Japan, umabot na ito sa 17,323 katao as of May 24. Umabot na rin sa 852 katao ang naitalang namatay at 13,897 katao naman ang gumaling (As of May 23). Overall, patuloy na bumababa ang bilang ng mga bagong infected, subalit tumaas naman ang bilang ng mga namamatay na nasa critical condition.

(2) SCHOOL CLOSURE: Marami na sa ngayong mga school ang nag-resume ng class nila lalo na don sa mga na-lift na ang State of Emergency subalit di pa rin masasabing normal na ang lahat. Karamihan sa ngayon ay nagsasagawa ng klase kung saan di nila sabay-sabay na pinapapasok ang mga student nila. Pina-priotiy nila sa ngayon ang class ng mga Grade 1 and Grade 6 elementary student at mga third year student naman sa Junior High school.

(3) FINANCIAL ASSISTANCE: Ang application para sa 10 lapad na financial assistance ay lumalaganap na, at maaaring pati sa mga major city ay isagawa na rin nila ang pagpapadala ng mga application form sa mga householder. Ang plano naman ng government para sa second wave na financial support ay unti-unti na ring nagkakaroon ng progress at maaaring maisakatuparan ang batas at budget nito next month.

(4) MASK SUPPLY: Ang mask distribution na mula sa government ay hindi pa rin natatapos at marami pa ring lugar ang hindi nakakatanggap nito. Nanatili pa rin kulang ang supply ng mask sa ngayon. Naisabatas na rin ang pagbabawala sa pag-resale ng mga alcohol disinfectant product at ito ay mag-uumpisa sa MAY 26 ayon sa mga news.

(5) IMMIGRATION TRAVEL BAN/QUARANTINE: Ang travel ban advisory ay nanatiling in-effect pa rin sa ngayon at wala pa silang nilalabas na specific date kung kelan ito matatapos. Nanatili rin ang quarantine advisory para sa mga papasok dito sa Japan as of now.

(6) PUBLIC PLACE/FACILITIES CLOSURE: Ang ilang theme park and attractions ay unti-unti ng nagbubukas lalo na sa part na inalis na ang State of Emergency.

(7) STATE OF EMERGENCY/LOCKDOWN: Tinanggal na rin ang State of Emergency sa Osaka, Kyoto at Hyougo. Nanatili naman ang effectivity nito sa Tokyo, Kanagawa, Chiba, Saitama at Hokkaido, subalit maaring tanggalin na rin nila ito by MAY 25 ayon sa mga news.

(8) CORONAVIRUS MEDICATION: As of now, wala pa ring natutuklasang mabisang gamot at vaccine ang Japan government laban sa coronavirus sa ngayon. Ang clinical test ng AVIGAN ay nanatiling isinasagawa para sa mabilisang approval nito. Ang government naman ay nagbigay ng financial assistance sa apat na company at limang universities na nagsasagawa ng research sa vaccine na umabot sa 7.2 BILLION YEN.

(9) IMPACT TO FILIPINO COMMUNITY: Patuloy na dumarami ang mga nawawalan ng trabaho na mga Pinoy dito sa Japan lalo na ang mga part time worker. Marami pa ring mga kababayan nating tourist at mga family visit visa holder na stranded sa Japan at hindi makauwi dahil sa walang makuhang flight.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.