Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
Pinoy, nabigyan ng parangal ng Saitama Police May. 24, 2022 (Tue), 560 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito, binigyan ng parangal noong May 19, ang isa nating kababayang Pinoy, na nakilalang si ヴェガ・エメリアーノ・レボホ, age 32 years old, matapos syang makatulong sa pag-pigil sa isang babaeng nais sanang mag-suicide.
Ang kababayan natin na nakatira sa Saitama Niiza City, arubaito, ay binigay ng Appreciation Certificate ng Saitama Asaka Police Station dahil sa ginawa nyang pagtulong.
Ang kababayan natin ay pauwi na noong April 24 ganap ng 1PM galing sa trabaho sakay ng kanyang bike ng makita nya ang babaeng nasa tulay at sumasampa na sa handrail.
Agad nyang inihinto ang bike at nilapitan ang babae at tinanong nya kung daijoubu ba sya. Hindi naman sumagat ang babae at ito ay umiiyak lamang kung kayat alam nyang hindi normal ang situation.
Nag-onegai ang kababayan natin sa nakita nyang napadaan na tao na tumawag ng pulis at tinulungang makababa ang babae at hindi nya ito iniwanan hanggang sa dumating ang mga pulis. Dito nya nalaman na planong magpakamatay pala ng babae.
Ang kababayan natin ay nakapasok ng Japan 16 years na ang nakakalipas at presently na namumuhay dito sa Japan kasama ang kanyang asawa at dalawang anak. Kasama nya ang mga ito ng pumunta sila sa police station upang tanggapin ang parangal.
Ayon sa kanya, normal lang ang ginawa nya at kusa lang na gumalaw ang kanyang katawan upang tumulong. Nagpapasalamat ang police station chief sa kanyang ginawang kabutihan ayon sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|