Consequences kapag hindi sinunod ang name sa asawa (03/08) 2 Nepalese ryugakusei, huli sa pag-work ng walang legal permit (03/08) Rice buyer, pinapakyaw na ang mga aanihin kahit wala pang tanim (03/08) Thai-jin na babae, huli sa pagnanakaw ng cable wire (03/07) Vietnamese na lalaki, huli sa pagbili ng nakaw na jewelries (03/07)
Pinoy mother, nalunod at namatay sa pagsagip sa anak Aug. 07, 2018 (Tue), 8,941 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Saitama Yorii Town. Ayon sa news na ito from NHK, isang kababayan nating Pinay mother, age 61 years old na nakatira sa Kanagawa Kawasaki City ang nalunod at namatay matapos nitong tangkaing sagipin ang nalulunod nyang panganay na anak sa isang ilog sa lugar na nabanggit.
Nangyari ang incident noong August 5 ganap ng 11:30AM. Kasama ang family at mga kaibigan, pumunta sila sa ilog upang mag-asobi. Nakita ng nanay na nalulunod ang kanyang anak at tinangka nitong sagipin ito subalit pareho silang natangay ng agos ng ilog.
Nagawang masagip sila ng isang lalaki na nakasakay sa canoe, 100 meters downstream, subalit wala ng ulirat ang nanay ng ito ay maiahon. Isinugod nila sa hospital subalit hindi na ito umabot. Ang anak naman nitong panganay ay ligtas naman sa kapahamakan.
Ayon sa mga pulis, marami ngayong nangyayaring incident sa nasabing ilog dahil marami rin ang pumupunta dito sa ngayon upang mag-asobi at BBQ.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|