malago logo    Home    About Us    Forum    Portal

Freemium Info


Recent News
Immigration
Overstayer
Crimes & Violence
Illegal Activity
Phil/Government
Work/Company
Marriage
Others
Technology
Pinoy Community
Pinoy News
Accidents & Incidents
Nikkeijin (JaPinoy)
Health Issue
Family Feud
Carework
Sex Offenders
Drug Violation
Minors Crimes
Visa Issue
Divorce
Showbiz
Singapore




Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14)
Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14)
Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14)
Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14)
3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)


Pinoy, nabigyan ng Certificate of Appreciation sa pag-prevent ng sagi

Nov. 28, 2021 (Sun), 579 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.


Aichi Kasugai City. Ayon sa news na ito from Asahi Shimbun, isang kababayan nating Pinoy, 24 years old, na nakilalang si ロメロ・ウィルジョファーソン, ang nabigyan ng Certificate of Appreciation ng Kasugai Police noong November 24, matapos na makatulong sya sa pag-prevent ng isang sagi case.

Ang kababayan natin na isang Japinoy (nanay ay Pinay at ang tatay ay Japanese), ay nag-aarubaito sa isang Seven Eleven convini store sa lugar na nabanggit. Napansin nya ang isang matandang lalaki, age 80 years old, na pumasok sa convini noong October 5 ng hapon.

Meron itong parang hinahanap kung kayat kinausap nya upang matulungan. Sinabi nitong gusto nyang bumili ng e-money subalit hindi nya alam daw. Tinanong nya kung magkano at sinabi sa kanya ang amount na umabot sa 429,000 Yen. Gagamitin nya daw ito sa membership ng isang appli.

Nagtaka sya sa laki ng amount kung kayat binigyan nya ito ng advise na tawagan ulit ang operator ng appli. Sinubukan nyang sya ang kumausap sa sumagot na operator subalit nag-duda na sya lalo sa pananalita nito at sinabihan syang ipakiusap muli sa kanya ang matandang lalaki.

Sinabihan ng operator ang matanda na OK lang daw, subalit pinayuhan muli ng kababayan natin na malaki ang possibility na maaaring sagishi (swindler) ang kausap nya at pinilit nya ang matanda na pumunta sa Kasugai Police station upang mag-soudan (consult). Nagpasalamat naman sa kanya ang matandang lalaki.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.