Corporate tax at Tobacco Tax, magtataas sa April 2026 (12/14) Lalaki, huli sa pagnanakaw ng mga electric tools (12/14) Face Time sa divorce by court, possible na by March 2025 (12/14) Presyo ng bigas nanatiling mataas, at maaaring magpatuloy next year (12/14) 3 Vietnamese, huli sa pagnakaw ng 4 tons cable wire (12/13)
20 Pinoy trainee, handang mag-file ng charge laban sa Hitachi Oct. 09, 2018 (Tue), 4,108 views
For your documents translation, contact us here in MALAGO.
Ayon sa news na ito from Asahi Shimbun, handang mag-file ng kaso ang 20 Pinoy trainee na pinauuwi laban sa Hitachi kung sila ay basta lamang papauwiin ng walang sapat na kabayaran. Ito ang binitiwang pahayag ng mga lawyer ng labor union na sinasalihan nila kahapon October 8 sa harap ng mga Japanese media.
15 na Pinoy trainee ay nag-submit na ng Power of Attorney sa mga lawyer upang sila ang maging representative nila sa kaso ayon sa news. Ang mga lawyer ay makikipag-usap sa Hitachi side sa darating na October 11. Kung ang maging result nito ay hindi maganda at hindi ibibigay ng Hitachi ang tamang kabayaran sa mga Pinoy trainee na tinanggal, handa daw silang mag-file ng charge for the damage na ginawa nila.
Ang 20 Pinoy trainee ay nakapasok sa Japan noong July 2017. Sila ay sinabihan na tatanggalin at papauwiin noong September 20 matapos na hindi aprobahan ng kinauukulan ang kanilang training plan for the coming years kung kayat malabo na rin silang makapag-extend ng visa ayon sa news.
Ayon naman sa Japan Ministry of Justice, under investigation pa ang Hitachi sa ngayon dahil sa nabisto sila sa ginawa nila noon na pagpapatrabaho sa mga trainee na wala sa kaukulang training plan at contract. Ang mga kababayan naman nating Pinoy ay naka-schedule na umuwi sa darating na October 20 ayon din sa news.
BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.
Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.
Need application form for visa application & other legal documents, click here.
|